Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga Tricycle drivers sa ating bansa

SHARE THE TRUTH

 2,615 total views

Ang mga tricycle ang karibal ng jeep bilang hari ng kalsada sa ating bansa. Ang pampublikong transportasyon na ito ay isa sa mga pinaka-mahalagang bahagi sa buhay ng mga mamamayan ng bansa. Sa syudad man o sa probinsya, ang tricycle na ang ating inaasahan upang ihatid tayo sa mga lugan na ating pupuntahan.

Kaya lamang kapanalig, napakahirap din na trabaho ang maging tricycle driver. Halos wala kang makikitang tricycle driver na umasenso sa buhay kung sa pamamasada lamang ang kanyang aasahan. Hindi naman kasi malaki ang binabayad sa kanila, pero ang krudong kanilang ginagamit ay mahal. Lalo pa ngayon.

Kapanalig, marami po ang tricycle drivers sa ating bansa. Tinatayang umaabot ng 1.7 million ang mga registered na tricycle sa Pilipinas. Siyempre, di kasama dyan mga kolorum, na pihadong marami rin. Sa Metro Manila, tinatayang umaabot sa 300,000 ang registered tricycle units.

Marami sa mga tricycle drivers ng ating bansa ay nakatali sa mga nagpaparenta ng mga units – kailangan nilang mag boundary. Ginagamit nila ang tricycle ng iba at nagbibigay sila ng “boundary” o bayad sa tunay na may-ari. Kapag swerte, makakapag-uwi sila ng humigit kumulang P500 kada araw. Labas pa krudo na pagka-mahal mahal ngayon.

Maliban sa maliit na kita at mahal na krudo, bulnerable rin ang mga drivers na ito sa mga aksidente sa kalye. Marami sa kanila ay nakikipagsabayan sa mga mas mabilis at malaking sasakyan sa ating mga kalye, wala silang protective gear, at kadalasan, wala silang insurance.

Bulnerable rin sila sa sakit. Mahirap mag-social distancing sa tricycle na hindi mababawasan ang kita, kapanalig. Liban pa dito, araw-araw nila nasi-singhot ang polusyon sa ating mga lansangan. Maari silang magkasakit dito ng malubha sa kalaunan. At sa liit ng kita nila, tiyak na hindi nila kakayanin ang health care expenses para dito.

Kaya’t hindi mo masisi kung bakit marami sa kanila ang nanawagan ng subsidiya ngayon. Noong wala pang pandemya pati gyera sa Ukraine, hirap na sila. Nang dumating ang mga ito, parang pinako pa sila lalo sa kahirapan.

Kapanalig, kailangan matugunan ang pangangailangan ng mga tricycle drivers ng bansa. At sana kung tutulungan natin sila, huwag naman piece-meal o patse-patse. Holistic sana o pangkabuuan ang approach o estratehiya ang mga solusyon na ilalapat natin para sa kanila.

Ang mga tricycle drivers ng bansa natin kapanalig ay mahalang haligi ng buhay Filipino. Marapat na sila ay ating tulungan. Sabi nga sa Economic Justice for All, ang pagbibigay tulong sa mga maralita sa ating hanay ay naka-ugat sa ating pagiging Kristiyanong Katoliko. Ang pagtalikod sa obligasyong ito ay pagtalikod din sa kautusan ng Diyos na mahalin natin ang ating kapwa gaya ng pagmamahal natin sa ating sarili.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 16,722 total views

 16,722 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 30,782 total views

 30,782 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 49,353 total views

 49,353 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 74,141 total views

 74,141 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

THEATRE OF THE ABSURD

 16,723 total views

 16,723 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 30,783 total views

 30,783 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 49,354 total views

 49,354 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 74,142 total views

 74,142 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 70,619 total views

 70,619 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 94,317 total views

 94,317 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 103,029 total views

 103,029 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 106,660 total views

 106,660 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 109,216 total views

 109,216 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »
1234567