Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Militarisasyon sa mga unibersidad sa bansa, kinundena ng AMRSP

SHARE THE TRUTH

 507 total views

Kinundina ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) ang nagaganap na militarisasyon sa mga unibersidad sa bansa.

Ayon kay Rev. Fr. Angelito Cortez, OFM – Co-Executive Secretary ng AMRSP, maituturing na paglapastangan sa karapatang pangtao at kalayaan ang ginagawang militarisasyon sa mga unibersidad sa Pilipinas.

Inihayag ng Pari na bahagi ng mga karapatan at kalayaan ng mamamayan sa isang demokratikong bansa ang kalayaan sa pagkilos at pagpapahayag ng saloobin.

“Ito ay tuwirang paglapastangan sa karapatang pangtao lalong lalo na sa malayang pagkilos at paghahayag ng saloobin bilang isang mamamayan na kabilang sa isang bansang demokratiko.” pahayag ni Fr. Cortez sa panayam sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Cortez na siya ring bagong talagang Vice-Director ng Order of the Friars Minor (OFM) Justice, Peace, and Integrity of Creation (JPIC) Office sa Roma na tulad ng mga relihiyoso at mga lingkod ng Simbahan ay may karapatan ang bawat unibersidad na pangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng kanilang mga mag-aaral.

Iginiit ng Pari na mahalagang mapanatili ng mga unibersidad ang karapatang mapangalagaan ang kalayaang akademiko ng mga mag-aaral upang matiyak na maging ligtas na lugar para sa malayang pagtatanong, pagsisiyasat at pagpapahayag ng saloobin.

“Katulad ng mga relihiyosong pinagbibintangan at pinaghihinalaan, ang mga estudyante at komunidad ng unibersidad ay may karapatang pangalagaan ang kanilang kalayaang akademiko dahil dito natin matitiyak na sila ay magkakaroon ng ligtas na lugar upang magtanong, magsiyasat at ipahayag ang kanilang mga saloobin at hinaing para sa bayan.” Dagdag pa ni Fr. Cortez.

Kasunod ng naging unilateral termination sa kasunduan ng University of the Philippines at Department of National Defense ukol sa pagpasok ng militar at pulis sa mga campus ng UP ay ilang armadong sundalo na sakay ng military trucks ang namataan na pumasok sa UP Diliman ng walang koordinasyon sa pamunuan ng unibersidad.

Itinanggi naman ni Major Frank Sayson Commander ng 7th Civil Relations Group CRS-AFP ang sinasabing militarisasyon sa unibersidad.

Inihayag ni Sayson na bilang namumuno sa urban gardening projects, ang pagpasok ng mga sundalo ay naglalayon lamang na mabisita ang mga urban gardening projects sa anim na lugar sa loob at paligid ng UP Campus na nagsimula noong Marso.
Bukod sa bahagi ng Barangay UP Campus, pinasok din ng mga sundalo ang UP Arboretum, tree planting area at UP botanical garden.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Senadong tumalikod sa tungkulin

 4,612 total views

 4,612 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 78,913 total views

 78,913 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 134,670 total views

 134,670 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 95,662 total views

 95,662 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 96,772 total views

 96,772 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 1,799 total views

 1,799 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 40,676 total views

 40,676 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
1234567