Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Military Ordinariate, nagpahayag ng suporta sa bagong PNP Chief

SHARE THE TRUTH

 19,920 total views

Ipinahayag ni Military Ordinariate Bishop Oscar Jaime Florencio ang kanyang taos-pusong pagbati at buong suporta sa bagong itinalagang hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Police General Nicolas Torre III.

Ayon kay Bishop Florencio, kaisa siya at ang mga chaplain ng PNP sa pamumuno ni Gen. Torre, at handang sumuporta sa bagong PNP Chief sa pamamagitan ng panalangin at espiritwal na gabay.

Dagdag pa ng Obispo, mahalaga ang pagkakaroon ng matatag na moral at ispiritwal na pundasyon sa hanay ng mga pulis, lalo na sa gitna ng mga hamon sa pagpapatupad ng batas at paglilingkod sa sambayanan.

“To our new PNP Chief, Maj. Gen. Nicolas Torre III, our heartfelt congratulations to your new appointment as Chief PNP. The PNP chaplains and myself, the Bishop of the Military Ordinariate, rally behind your leadership. We shall support you through our prayers. May God keep you always in His loving embrace. Our snappy salute, Sir,” ayon sa mensaheng ipinadala ng obispo sa Radyo Veritas.

Binanggit din ni Bishop Florencio ang kahalagahan ng pagkakaisa ng Simbahan at ng PNP upang mapanatili ang disiplina, integridad, at malasakit sa kapwa sa loob ng organisasyon.

Tiniyak niya na ang pamunuan ng Military Ordinariate ay laging handang tumulong upang mapanatili ang matibay na ugnayan sa pagitan ng pananampalataya at serbisyo publiko.

Ipinaabot din ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbati kay Torre sa pagkakatalaga bilang pinuno ng PNP.

Sinabi ni Romualdez na sa kabila ng matinding pagsubaybay ng publiko at political pressure ay nanatiling matatag si Torre sa pagpapatupad ng batas at pagsasagawa ng mga sensitibong operasyon.

“General Torre’s steady hand in critical situations shows he is not only unafraid to act, but also committed to doing so within the bounds of the law. That kind of leadership is rare, and exactly what the police force needs today,” ayon kay Speaker Romualdez.

Si Torre ay itinalaga bilang bagong hepe ng PNP noong Mayo 29, 2025, at inaasahang opisyal na magsisimula sa kanyang tungkulin sa Hunyo 2, 2025, kapalit ni Gen. Rommel Marbil na magreretiro sa Hunyo 7, 2025.

Ang bagong hepe ng PNP ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 1993, ay dati nang humawak ng mga mahahalagang posisyon sa PNP gaya ng pagiging district director ng Quezon City Police District at regional operations head ng National Capital Region Police Office.

Matatandaang si Torre, bilang direktor ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nanguna sa operasyon para arestuhin si Pastor Apollo Quiboloy, lider ng Kingdom of Jesus Christ, na nahaharap sa mga kasong human trafficking at sexual abuse.

Pinangunahan din ng heneral, ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte batay sa warrant of arrest na inisyu ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng mga alegasyon ng crimes against humanity.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 13,801 total views

 13,801 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 33,738 total views

 33,738 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 50,998 total views

 50,998 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 64,544 total views

 64,544 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,124 total views

 81,124 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,316 total views

 7,316 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,317 total views

 7,317 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 10,293 total views

 10,293 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »
Scroll to Top