Misyon ng mga katutubo para sa kalikasan, kinilala ng Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,089 total views

Mahalaga ang gampanin ng mga katutubo sa pangangalaga at pagpapanatili sa ating nag-iisang tahanan.

Ito ang sinabi ni environmentalist priest Fr. Pedro “Pete” Montallana, OFM ngayong ginugunita ang Indigenous People’s Sunday bilang pagkilala sa mahalagang misyon ng mga katutubo sa pangangalaga sa kalikasan.

Ayon kay Fr, Montallana, chairman ng Save Sierra Madre Network Alliance na dahil sa simpleng pamumuhay at pagmamalasakit ng mga katutubo, ang mga kabundukan at kagubatan ay patuloy na yumayabong at nagbibigay ng natural na tahanan sa iba’t ibang nilalang ng Diyos.

“Ang katutubo ay mahalagang factor para maiwasan natin ang lubusang pagkasira ng daigdig. Kasi alam n’yo kung wala ‘yung katutubo, sana ‘yung mga gubat natin ay wala na. It’s because of their simple lifestyle na panawagan din ni Pope Francis at saka yung kanilang paggalang sa kalikasan,” bahagi ng pahayag ni Fr. Montallana sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit naman ng makakalikasang pari na ang nangungunang sanhi ng pagkapinsala ng mga kabundukan at kagubatan ay dahil sa pagnanais ng mga tao na pagkakitaaan ito kahit lingid sa kaalamang lubos na maaapektuhan nito ang kalikasan lalo na ang mga katutubong naninirahan dito.

“Actually ‘yung ating mga forest have remained a same forest in many parts of the country because of their (Indigenous People) world view na ang kalikasan ay kapatid nila, nanay nila. They have lost that and many of the low landers have destroyed the forest kasi ang nakikita lang natin sa forest ay pera,” ayon sa pari.

Samantala, hinihiling naman ni Fr. Montallana ang pakikiisa ng bawat mamamayan sa makakalikasang hangarin ng mga katutubong upang patuloy na mapangalagaan ang ating inang kalikasan.

Gayundin ang ipanalangin ang mga ito para sa patuloy na katatagan at kaligtasan laban sa mga hinaharap na panganib dulot ng pang-uusig at pagpapalayas mula sa kanilang mga lupaing minana dahil sa masama at nakapipinsalang hangarin ng pag-unlad.

“It’s very important now [na] ipagtanggol natin ang mga katutubo, especially sa kanilang mga hinaharap na development aggression during our time. I think it’s really a warning bell ng Diyos sa atin that we take care of the katutubo na kanyang binigyan ng special charism na alagaan ang kalikasan. Sana po ay ipagdasal natin at sikapin natin na gawin natin ang lahat upang maprotektahan natin ang mga katutubo dito sa ating lugar, sa buong bansa at sa buong mundo,” saad ni Fr. Montallana.

Batay sa tala ng National Commission on Indigenous Peoples, tinatayang aabot sa mahigit 11.3-milyon ang kabuuang populasyon ng mga katutubo sa Pilipinas.

Nasasaad naman sa Laudato Si ni Pope Francis na ikinalulungkot nito ang sapilitang pagpapaalis sa mga katutubo mula sa kanilang mga lupaing ninuno upang magsagawa ng pagmimina ang mga makapangyarihang kumpanya at abusuhin ang iba pang likas na yaman ng kanilang lupain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 85,395 total views

 85,395 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 115,618 total views

 115,618 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 142,267 total views

 142,267 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 237,240 total views

 237,240 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 252,642 total views

 252,642 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top