Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,116 total views

Homiliya Para sa Panlimang Simbang Gabi, 20 Dis 2024, Lk 1:26-38

Pag nagtaas ka ng kamay para magvolunteer sa isang gawain na hindi mo muna inalam kung ano, at di ka na makaatras matapos na malaman mo kung ano ito dahil naka-oo ka na, mayroon tayong tawag sa Tagalog sa ganyan klaseng sitwasyon: NAPASUBO. Siguro related ito sa kasabihan tungkol sa pag-aasawa: na “hindi ito parang kanin na isusubo at iluluwa kapag ikaw ay napaso.” Kumbaga sa sabaw na kumukulo, hipan man lang nang konti bago higupin kung ayaw mong malapnos.

Ang pumapasok sa isip ko na halimbawa sa Bibliya ay ang propetang Isaias. Sa chapter 6 ni Isaias, naroon ang kuwento. Nagpakita daw sa propeta ang Panginoon. Sinabi daw sa kanya: “Sino ang susuguin ko? Sino ang lalakad para sa amin?” Para siyang excited na bata na nagtaas kaagad ng kamay at nagsabing, “Narito po ako. Ako na po.” Akala siguro niya laro o parlor games na may premyo.

Matapos na ipaliwanag sa kanya ang ipinagagawa sa kanya, wala siyang ibang masabi kundi “Hanggang kailan ho?” Ganito daw kasi ang magiging misyon niya: ang pangaralan ang bayang Israel, hindi upang magbago sila at magbalik-loob sa Diyos kundi upang maging lalong matigas ang mga puso nila at magpatuloy sa pagsuway sa Diyos. Kaya siguro niya tinatanong kung hanggang kailan. Kasi ano nga ba naman ang katuturan ng pangangaral niya kung hindi naman pala siya pakikinggan? Palagay ko, naisip-isip niya: “Mukhang napasubo yata ako a!” Hindi muna kasi siya nagtanong.
Kahit tipong masunurin ang paglalarawan sa karakter ni Mama Mary sa ating ebanghelyo, hindi rin naman siya basta na lang umoo. Nagtanong muna siya. Pero ang tanong niya ay hindi BAKIT AKO? kundi PAANO? Paano ito mapangyayari sa sitwasyon ko, gayong ako’y dalaga? Matapos maipaliwanag ng anghel na hindi naman siya kundi ang Espiritu Santo ang gagawa ng paraan at mangyari ito, noon pa lang siya sumagot at nagsabing, “Narito ako…Mangyari nawa sa akin ang sinabi mo.” (Lk 1:38)

Sa buhay natin, maraming beses din tayong maninimbang, mangingilatis, magtatanong muna bago magdesisyon. Hindi naman isang bulag na paglundag sa dilim ang hinihingi ng Diyos, kundi matalinong pagtuklas sa kanyang kanyang kalooban at partisipasyon sa kanyang gawain, sa kanyang ibig mangyari.

Minsan naman, katulad ni San Pedro, hindi pa man nagsisimula ang laban sumusuko na agad tayo. Di ba nasabi niya, “Huwag na lang ako, Panginoon, makasalanan akong tao.” (Lk 5:8) Minsan may tiwala nga tayo sa Diyos, tayo naman ang walang tiwala sa sarili. Nakakalimutan natin na ang Panginoong pinagtitiwalaan natin ay nagtitiwala din sa atin.

Ganyan din ang propetang si Jeremias. Nang tawagin daw siya ng Panginoon, ganito ang sagot niya, “Napakabata ko pa Panginoon, ni hindi ako marunong magsalita sa publiko.” (Jer 1:6-7) Pero sinaway daw siya ng Panginoon na nagsabing, “Huwag mong sabihing napakabata mo pa.” Hinaplos pa nga daw ng kamay ng Diyos ang bibig niya at sinabing “O, ayan. Ilalagay ko ang mga salita ko sa bibig mo… gagamitin mo sa paghugot at pagwasak, gayundin sa pagtatanim at pagtatayo.” (Jer 1:9-10)

Kahit wala pa sa katiting ang talino natin sa talino ng Diyos, kahit kaya na ngayon ng tao na lumikha ng artificial intelligence at gumawa ng mga robot na gagawa ng trabaho para sa atin, isang bagay ang sigurado ako: hindi tatawag at magsusugo kailanman ng mga robot ang Diyos. Mananatiling mas palagay ang loob niya sa pagpili ng mga taong tulad natin sa kabila ng ating mga kapalpakan at pagkukulang. Mga taong hindi niya pipilitin, mga taong kusang-loob na tutugon sa kanyang paanyaya at makikilahok sa patuloy na paglikha at pagliligtas ng Diyos sa sanlibutan.

66 percent ng mga Pilipino, walang sinusuportahang kandidato sa 2028 national elections

 3,599 total views

Opisyal na inihayag ng Momentum Research na isang next-generation public opinion research firm ang kauna-unahang National Momentum Survey nito kaugnay sa mga pananaw at saloobin ng mga Pilipino hinggil sa mga pangunahing isyung pambansa.

Kabilang sa mga tinalakay ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ang nakatakdang ika-limang State of the Nation Address ni Pangulong Marcos, at ang pre-election preferences para sa 2028 National Elections.

Batay sa resulta ng National Momentum Survey para sa General Pastisanship lumabas na 66.6 na porsyento ang independent o walang sinusuportahan; 16.7% ang suportado sa administrasyon; 13% sa oposisyon; 2.4% ang hindi alam o sigurado; at 1.2% naman ang tumangging sumagot.

Sa Factional Partisanship naman, lumabas na 45% ang independent o walang sinusuportahan; 28.9% ang taga-suporta ng mga Duterte at kaalyado; 12.4% ang oposisyon; at 11% naman ang taga-suporta ng mga Marcos at mga kaalyado nito.

Samantala, sa usapin naman ng kamalayan sa nagaganap na Impeachment Trial laban kay Vice President Sara Duterte, lumabas na 55.5% ang nabalitaan ang impeachment ngunit hindi gaanong nasubaybayan; 29.1% ang hindi nabalitaan ang impeachment; 12.6% ang nabalitaan at nasubaybayan; at 0.1% naman ang hindi alam o hindi sigurado.
Sa datos na ito pinakamarami ang sumusubaybay sa impeachment trial ng bise president sa metro Manila sunundan ng rest of Luzon, Mindanao at Visayas.

Kabilang din sa mga sinuri ang pananaw ng taumbayan kung dapat bang humarap si Vice President Duterte sa Impeachment Court kung saan lumabas na 44.3% ang naniniwalang lubos na mahalaga ang pagharap ng bise presidente sa pagdinig; 39% ang mahalaga; habang 13.6% naman ang hindi mahalaga.

Kaugnay naman sa pinaka-kapanipaniwalang paratang o article of impeachment laban kay VP Sara, lumabas na 24.2% ang maanomalyang paggamit ng confidential fund; 16.2% ang tangkang pagpatay sa pangulo at iba pa; 11% ang hindi maipaliwanag na yaman; 9.6% ang panunuhol sa mga kawani ng DEPED.

Lumabas rin sa pagsusuri na 36.6% ang nagtitiwala sa Senado bilang Impeachment Court; 35.5% ang hindi nagtitiwala; 12.7% ang lubos na nagtitiwala; 8.5% naman ang hindi alam o hindi sigurado.

Samantala, kaugnay naman sa mga usapin o suliranin na dapat na tutukan sa lipunan lumabas sa pagsusuri na nangunguna sa mga dapat na tutukang usapin ang korapsyon partikular na ang flood control scandal na nakakuha ng 42.6%; sinundan ng trabaho at pangkabuhayan sa 27.9%; presyo ng mga bilihin o inflation sa 23.5%; kahirapan o poverty sa 13.3%; health care sa 12.7%; 11% naman sa edukasyon; 9.8% sa illegal na droga; 8.3% sa agrikultura at food security; 6.5% sa impeachment ng bise president; 5.6% sa presyo ng produktong petrolyo; 5.2% sa peace and order at kriminalidad; at 1.3% sa pabahay.

Ayon sa organisasyon, layunin ng survey na matiyak na maririnig ang boses ng bawat Pilipino habang tinatahak ng bansa ang isang “unprecedented path” sa gitna ng mahahalagang usaping pampulitika.

Cardinal Advincula, nagpaabot ng pagbati sa Radyo Veritas 846

 3,911 total views

Nagpaabot ng pagbati si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, Chairman of the Board ng Radio Veritas Global Broadcasting Inc., sa parangal na tinanggap ng himpilan ng Radyo Veritas mula sa kauna-unahang FAMAS Broadcast Arts Awards 2026 para sa programa nitong Healing Mass sa Veritas na kinilala bilang Best AM Radio Program.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ng Cardinal ang kanyang pagbati sa pamunuan ng Radyo Veritas sa pangunguna ni Rev. Fr. Roy Bellen na pangulo ng himpilan at sa lahat ng bumubuo sa programa.

“Congratulations to Radyo Veritas, Fr. Roy company for receiving this award from FAMAS,” Bahagi ng pahayag ni Cardinal Advincula sa Radyo Veritas.

Hinimok naman ng Cardinal ang lahat ng kawani ng Radyo Veritas na ipagpatuloy ang paglilingkod sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita, lalo na sa mga Kapanalig na patuloy na umaasa sa himpilan para sa espiritwal na gabay at pag-asa.

“And I would like to ask the ones involve this award, the Radyo Veritas, to continue working specially to be able to broadcast the Gospel message especially to our Kapanalig. Maraming salamat po,” Dagdag pa ng Cardinal Advincula.

Ang Healing Mass sa Veritas ay kinilala bilang Best AM Radio Program sa unang FAMAS Broadcast Arts Awards, isang pagkilala sa mahalagang papel ng programa sa paghahatid ng panalangin, pag-asa, at mensahe ng Ebanghelyo sa mga Pilipino sa pamamagitan ng radyo.

Inaanyayahan naman ng pamunuan ng himpilan ang mga tagasubaybay ng Radyo Veritas na personal na makiisa sa Healing Mass sa Veritas sa Radio Veritas Chapel na ginaganap araw-araw tuwing alas-6 ng umaga, alas-12 ng tanghali, alas-6 ng gabi, at alas-12 ng hatinggabi.

Para sa pamunuan ng Radyo Veritas, ang parangal ay nagsisilbing inspirasyon upang lalo pang paigtingin ang misyon ng himpilan sa pagiging tinig ng Simbahan at tagapaghatid ng katotohanan sa sambayanang Pilipino.

Matatag na relasyon, pinatibay ng Australia at DLSU

 3,525 total views

Pinatatag ng Australia at De La Salle University (DLSU) ang matagal nang ugnayan sa edukasyon, kalakalan, at pangrehiyong kooperasyon bilang bahagi ng pagsusulong ng mas matatag na ekonomiya at kaunlaran sa Pilipinas at mga bansang bumubuo sa Indo-Pacific Region.

Ito ang naging pangunahing mensahe sa ginanap na Foreign Policy Address ni Australian Senator and Minister on Foreign Affairs – Leader of the Government in the Senate Penny Wong sa DLSU Manila, kung saan binigyang-diin ang lumalalim na ugnayan ng Australia at Pilipinas na nakabatay hindi lamang sa walong dekada ng diplomatikong relasyon kundi sa patuloy na pagpapalawak ng kalakalan, foreign investments, edukasyon, at people-to-people exchanges.

Ayon kay Wong, mahalaga ang pakikipagtulungan sa ASEAN upang mapanatili ang katatagan ng ekonomiya sa harap ng pandaigdigang hamon sa seguridad, enerhiya, at suplay ng pagkain.
Binigyang-diin din ng Australian foreign minister na nananatiling mahalagang katuwang ang Southeast Asia sa pangmatagalang plano at programa katuwang ang ‘Strategic and Economy’ ng Australia.

“Friends, we know our region is being reshaped. The strategic landscape has changed, and artificial intelligence is reshaping the foundations of our societies and the nature of conflict. We know competition is intensifying. Old certainties no longer hold. And the risk of escalation and miscalculation is growing. And the full impact of this year’s shocks – in the Middle East, in our region, in the global economy – is still unfolding,” ayon sa key note speech ni Senator Wong.

Ibinahagi naman ni DLSU Manila Provost at Vice President for Academics Dr. Robert Roled ana mahalagang bahagi ng matatag na ugnayan ng Pilipinas at Australia ang kooperasyon sa larangan ng mataas na edukasyon at pananaliksik.

Patuloy na isinusulong ng DLSU at mga Australian universities ang joint degree programs, faculty at student exchanges, at collaborative research upang makabuo ng mga konkretong solusyon sa mga hamon sa pamamahala, ekonomiya, seguridad, at kaunlaran.

Nakiisa at dumalo sa gawain si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 20,584 total views

 20,584 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 66,514 total views

 66,514 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 99,596 total views

 99,596 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 127,947 total views

 127,947 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 195,444 total views

 195,444 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 26,648 total views

 26,648 total views Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 90,666 total views

 90,666 total views Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »

ANG SUGO AT NAGSUGO

 40,982 total views

 40,982 total views Homiliya para sa Miyerkoles sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, 29 Abril 2026, Juan 12:44-50 “Ang naniniwala sa akin ay naniniwala sa nagsugo

Read More »

BAHALA KA

 44,816 total views

 44,816 total views Homily for Good Shepherd Sunday (World Day of Vocations) 25 April 2026, John 10:1–10 We gather this evening for this Vigil Mass of

Read More »
Scroll to Top