Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Nasayang na pagkakataon sa laban kontra Covid-19

SHARE THE TRUTH

 214 total views

Mga Kapanalig, tunay na nakapanghihina ng loob ang patuloy na pagdami ng mga nagpopositibo at namamatay sa Covid-19 mula nang kumalat ang mas nakahahawang Delta variant. Mabigat sa pusong malamang kabilang sa mga nagpositibo sa sakit ay ang mga relihiyosong nasa mga seminaryo at kumbento.

Ang Congregation of the Religious of the Virgin Mary ay nawalan ng walong madreng edad 80 pataas dahil sa Covid-19. Kabilang sila sa 62 madreng nagpositibo, hiwalay pa ang 52 staff at personnel na nahawa rin. Taliwas sa mga kumakalat na tsismis na ang outbreak ay bunga ang pagtanggi ng mga madreng magpabakuna, kumalat ang virus sa kumbento kahit pa karamihan sa mga madre at kawani ay nabakunahan na. Ang mga namatay na madre ay hindi pa nabakunahan dahil na rin sa kanilang karamdaman ngunit nakatakda pa rin silang bakunahan. Naunahan lamang sila ng nakamamatay na virus. Sinasabing nagmula ang virus sa isang bisitang asymptomatic.

Isa pang religious congregation na nakaranas ng pagdami ng kaso ng Covid-19 ay ang Holy Spirit Sisters. Umabot sa 22 ang mga kasong naitala sa Convent of the Holy Spirit—13 madre at 9 na staff members. Isa sa mga madre ang pumanaw. Pinaniniwalaan ding isang asymptomatic na bisita ang nakahawa sa mga madre.  Ini-lockdown din ang isang retirement home sa Christ the King Seminary dito sa Quezon City matapos magpositibo sa Covid-19 ang siyam na pari at 16 na kawani. Isang pari ang binawian ng buhay. Nagkaroon din ng outbreak sa Stella Maris Convent. Labintatlong madre ang nagpositibo sa swab test.

Maituturing na high-risk ang mga pasilidad na pinatatakbo ng religious congregations dahil sa mga ito nakatira ang mga may edad nang pari at madre. Kasabay ng tulong ng lokal na pamahalaan sa kanila, makatutulong din ang ating mga dasal para sa lubusang paggaling ng mga maysakit at para sa katatagan ng kanilang loob sa pagharap sa pagsubok na ito.

Nakadadagdag sa bigat sa kaloobang hatid ng mga pangyayaring ito ay ang mga balita pa rin tungkol sa hindi maayos na pangangasiwa ng pamahalaan sa pangkalusugang krisis na ito. Lumabas sa pagdinig sa Senado noong isang linggo na expired na ang halos 8,000 test kits na binili ng DOH. Aabot sa 550 milyong piso ang halaga ng mga ito. Magagamit sana ang mga test kits sa pagsasagawa ng mahigit 370,000 na Covid-19 tests. Malaking bagay iyon para maagapan ang pagkalat ng virus. Ilang buhay din ang maaaring naisalba ng mga tests na iyon kung nagamit bago ma-expire. Isa lamang ito sa mga masasabing pagpapabaya at pag-aaksaya ng mga taong pinagkatiwalaan nating tugunan ang pandemya.

Malapit na ang pangalawang Pasko na naka-lockdown pa rin ang maraming lugar sa bansa, nakasara pa rin ang mga paaralan at maraming negosyo, at balót pa rin tayo ng takot at pangamba. Ngunit gaya nga ng laging sinasabi ng inyong lingkod, “habang buhay may pag-asa.” At sana ay makaaninag tayo ng pag-asa mula sa ating mga pinuno. Sabi nga sa mga panlipunang turo ng Simbahan, ang pamahalaan ay ang pamamaraan ng lipunan upang kumilos nang magkakasama upang pangalagaan at itaguyod ang ating mga pinahahalagahan. Unang-una nating pinahahalagahan ang buhay ng tao, at ito rin sana ang tunay na prayoridad ng ating mga lider. Sa kasalukuyang pangkalusugang krisis na kinakaharap natin, buhay ng tao ang nakasalalay—buhay ng mga relihiyoso at laiko, buhay ng mga matatanda at bata, buhay ng nakaririwasa at dukha.

Mga Kapanalig, sa harap ng mga nakalulungkot at nakagagalit na mga balita, mapanghawakan sana natin ang mga Salita ng Diyos sa Roma 12:12: “Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian, at palaging manalangin.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 98,704 total views

 98,704 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 106,479 total views

 106,479 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 114,659 total views

 114,659 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 129,847 total views

 129,847 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 133,790 total views

 133,790 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 98,705 total views

 98,705 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 106,480 total views

 106,480 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 114,660 total views

 114,660 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 129,848 total views

 129,848 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 133,791 total views

 133,791 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 61,689 total views

 61,689 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 75,860 total views

 75,860 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 79,649 total views

 79,649 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 86,538 total views

 86,538 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 90,954 total views

 90,954 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 100,953 total views

 100,953 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 107,890 total views

 107,890 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 117,130 total views

 117,130 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 150,578 total views

 150,578 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 101,449 total views

 101,449 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top