Natatakot ka bang manindigan at lumaban para sa buhay?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 503 total reads

Hindi dapat mapagod ang mga mamamayan sa laban sa patuloy na mga paglabag sa karapatan ng taumbayan at sa hindi pagkilala sa dignidad ng buhay ng kasalukuyang pamahalaan.

Ayon kay Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez, Chairman ng Ecumenical Bishops Forum, dapat na magpatuloy sa pananawagan at paninindigan ang mga mamamayan laban sa Extra Judicial Killings, pang-aabuso ng mga militar sa mga katutubo partikular na sa kanayunan at patuloy na banta ng Batas Militar sa buong bansa.

Paliwanag ng Obispo, hindi kailanman dapat na pahintulutan ang anumang uri ng pang-aabuso at paglapastangan ng pamahalaan sa mga karapatan ng taumbayan.

“Panawagan dito natural ay yung mga karapatan ng mga mamamayan ay dapat na kilalanin at itaguyod at ipaglaban at ito ay nakikita natin na nalalapastangan sa mga EJK itong mga patayan, itong mga karahasan ng military sa ating kanayunan at yung banta ng paglaladlad ng Martial Law sa buong bansa…” pahayag ni Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nito noong ika-21 ng Setyembre ginunita ang ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Batay sa tala sa ilalim ng Martial Law, tinatayang aabot sa higit 3,000 ang sinasabing pinaslang dahil sa hindi pag-sangayon sa patakaran ng Administrasyong Marcos habang tinatayang umaabot naman sa higit 75,000 indibidwal mula sa buong bansa ang biktima ng iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Batas Militar at Rehimeng Marcos.

Samantala sa kasalukuyan ay nananatili naman ang pag-iral ng Martial Law sa rehiyon ng Mindanao na inaasahang magtatagal hanggang sa ika-31 ng Disyembre.

Gayunpaman patuloy na umaasa partikular na ang Simbahan na hindi na muling maulit pa ang mga naganap na pagsupil sa kalayaan ng bansa sa pamamagitan ng panibagong diktadurya ng kasalukuyang Administrasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 39,711 total reads

 39,711 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 74,386 total reads

 74,386 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 103,339 total reads

 103,339 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 139,821 total reads

 139,821 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 155,615 total reads

 155,615 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top