National Celebration ng World Day of the Sick 2026, isinagawa sa Diocese of Imus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,181 total reads

Ipinagdiwang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC), katuwang ang Diocese of Imus at ang Department of Health, ang pambansang pagdiriwang ng World Day of the Sick 2026 sa Lungsod ng Imus sa Cavite, kasabay ng paglulunsad ng programang Simba-Kalusugan.

Sa temang “The compassion of the Samaritan: loving by bearing another’s pain,” binigyang-diin ng pagdiriwang ang panawagan ng Simbahan sa konkretong pagmamalasakit sa mga maysakit at nasa laylayan.

Isinagawa ang gawain noong February 14, 2026, sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar o Imus Cathedral, sa pangunguna ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista, na siya ring chairman ng CBCP-ECHC.

Iginiit ni Bishop Evangelista na ang pananampalataya at kalusugan ay hindi dapat magkahiwalay, kundi dapat magtagpo sa aktuwal na pagkilos at paglilingkod para sa kapwa.

“Worship and Health—where every person must be considered integrally and as a whole. Making health services close to people in making people, the center of services,” ayon sa CBCP-ECHC.

Isinagawa ang paglulunsad sa Simba-Kalusugan sa pakikipagtulungan ng DOH sa pamumuno ni Health Secretary Teodoro Herbosa, kasama ang iba’t ibang healthcare networks at mga ospital.

Nagkaloob ang inisyatibo ng libreng medical consultation at mga gamot, dental services, chest X-ray, laboratory tests, ECG, HIV screening, counseling, at health education kaugnay ng iba’t ibang karamdaman.

“These weren’t just medical services—they were acts of mercy, dignity restored, and hope renewed,” saad ng CBCP-ECHC.

Bagamat pambansang paglulunsad ang naganap, ang Simba-Kalusugan ay nakaugat sa umiiral na Community-Based Healthcare Programs ng Simbahan sa Luzon, Visayas, at Mindanao—mga inisyatibong napatunayang epektibo sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mismong pamayanan.

Tiniyak naman ng CBCP-ECHC na ipagpapatuloy at palalawakin pa ang Simba-Kalusugan sa iba’t ibang diyosesis, upang higit na mapalapit ang pangangalagang pangkalusugan sa mga higit na nangangailangan.

“The success stories from the different dioceses are inspiring making healthcare initiatives and services closer to the community, each adapting the program to their local communities’ unique needs,” ayon sa CBCP-ECHC.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 17,424 total reads

 17,424 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 55,242 total reads

 55,242 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 73,452 total reads

 73,452 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 157,781 total reads

 157,781 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 194,328 total reads

 194,328 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,281 total reads

 80,281 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top