National Union of Cooperatives, nanindigan kontra corruption

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,088 total reads

Nanindigan ang National Union of Cooperatives (NUC) at Union of Catholic Church – Based Cooperatives (UCCC) laban sa korapsyon at katiwalian sa bansa.

Kinundena ng mga samahan ng kooperatiba sa Pilipinas ang nabunyag na korapsyon sa flood control projects ng pamahalaan at pangangamkam sa kaban ng bayan ng mga Senador, Kongresista at opisyal ng DPWH, Commission on Audit, Bids and Awards Committee at kasabwat na mga kontraktor ng mga depektibo at ghost projects.

Sa pangunguna ni NUC at UCC national chairperson Rev. Fr. Anton CT Pascual ay hinamon ng grupo ang pamahalaan na panagutin sa batas at ikulong ang mga sangkot sa katiwalian sa flood control projects ng gobyerno.

Inihayag ni Fr. Pascual na nagsama-sama ang 42-unions and federations sa kumakatawan sa12-milyong miyembro na manindigan, magprotesta at magpahayag ng galit sa matindi at nakakaeskandalong korapsyon sa pamahalaan.

Ang kooperatiba ng Pilipinas sa pamumuno ng National Union of Cooperatives ay may sama-samang nag-protesta laban sa korapsyon, Cooperatives Stand Against Corruption, Cooperatives, we stand for integrity against corruption, kaya nagsama-sama po ang 42 Unions and Federations na kumakatawan sa mga almost eight to ten million na mga individual member para po tayo po ay magprotesta at magpahayag ng galit at yamot, righteous angers sa matindi at nakaka-eskandalong korapsyon sa ating gobyerno,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Pascual.

Nanawagan ang pari sa pamahalaan na pakinggan ang sigaw ng taumbayan na maibalik ang multi-bilyong ninakaw na pondo at parusahan ang mga sangkot sa anumalya.

Iginiit ni Fr.Pascual na nakahanda ang NUC na tipunin ang milyung mga miyembro ng kooperatiba para magsagawa ng pagkilos upang lalong mapalakas ang panawagan ng pananagutan sa mga sangkot sa katiwalian.

Tiniyak din ng Pari ang magpapaigting sa kamalayan ng mga Pilipino sa wastong pagboto sa nalalapit na 2028 Presidential election upang palitan na ang mga bulok na opisyal ng bayan.

Naniniwala ang Pari na napapanahon ng linisin ang gobyerno, ang mga demokratikong institusyon, magkaroon ng internal vigilance ang mamamayan at palitan na ang mga korap na politiko.

Kailangan maglinis po tayo ng gobyerno, pahalagahan natin ang demokrasya at linisin natin ang ating mga demokratikong institutions, sapagkat ang kooperatiba ay naniniwala sa demokrasya pero kailangan linisin po natin ang korapsyon, ngayon ang pagkakataon may krusada tayo ngayon at gamitin natin ang eleksyon 2028 para palitan ang mga korap na pulitiko ng mga bago at batang pulitiko at bantayan natin sapagkat internal vigilance is the price of democracy,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Pascual.

Sa datos ng Cooperative Development Authority, umaabot na sa 20,752 ang bilang ng mga kooperatiba na mayroong 12-milyong Pilipinong miyembro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 30,800 total reads

 30,800 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 67,601 total reads

 67,601 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 85,812 total reads

 85,812 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 170,140 total reads

 170,140 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 206,108 total reads

 206,108 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 20,908 total reads

 20,908 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top