NBI Director Matibag, haharap sa Senate Impeachment Court sa July 20

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,345 total reads

Inilipat ng Senate Impeachment court sa July 20, 2026 ang pagharap ni National Bureau of Investigation o NBI Director Melvin Matibag bilang testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Naunang humiling ang House prosecution na payagang mauna sa schedule si Matibag matapos niyang ipaalam na kailangan niyang dumalo sa isang regional summit tungkol sa scam center compounds at transnational organized crime sa Bangkok, Thailand sa July 21 at 22.

Tinutulan naman ito ng depensa dahil maaari anilang makaapekto sa kanilang paghahanda ang biglaang pagbabago sa pagkakasunod ng mga testigo.

Matapos ang pagtalakay ng mga senator-judge, iminungkahi ni Senate President Sherwin Gatchalian na sa July 20 na lamang humarap si Matibag upang mabigyan din ng sapat na panahon ang mga senador na pag-aralan ang mga ebidensya at ihanda ang kanilang mga katanungan.

“Pursuant to the discussion on the subpoena for NBI Director Melvin Matibag, and pursuant to the discussion with Senator-Judge Alan Cayetano and myself, and to give ample time to the senator-judges to study, to look at the pieces of evidence, as well as to propound their questions, may I propose to let him come to the Senate on Monday,” ayon kay Gatchalian.

Inaprubahan naman ni Senate President Pro Tempore at presiding officer ng impeachment court na si Senador Francis Escudero ang mosyon, ngunit nilinaw na kailangang matapos ang buong testimonya ni Matibag, kabilang ang cross-examination ng depensa.

Kung hindi matatapos ang pagtatanong sa July 20, ipagpapatuloy ito sa susunod na takdang araw ng paglilitis hanggang makumpleto ang proseso.

Inatasan na rin ng impeachment court ang pagpapalabas ng subpoena para kay Matibag na humarap sa Senado sa July 20, alas dos hapon

Inaasahang tatalakayin ng NBI chief ang imbestigasyon ng ahensya kaugnay ng mga pahayag ni Vice President Sara Duterte noong Nobyembre 2024, kung saan sinabi niyang mayroon siyang inatasang tao na kikilos laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez sakaling siya ay mapatay.

Kasama rin sa inaasahang ilalahad ni Matibag ang resulta ng imbestigasyon ng NBI at ang mga reklamong kriminal na nagmula sa naturang insidente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 73,613 total reads

 73,613 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 213,423 total reads

 213,423 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 329,199 total reads

 329,199 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 446,994 total reads

 446,994 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top