NDRRMC, tiniyak ang kaligtasan ng evacuees sa COVID19 transmission

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 360 total reads

Isa sa mga isinasaalang-alang ng publiko sa panahon ng sakuna ang posibilidad ng COVID-19 transmission lalo na sa mga evacuation centers.

Ito ang sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal hinggil sa mga nararanasan ngayon sa pagpapalikas sa mga residenteng apektado ng mga sakuna partikular na ang bagyo.

Ayon kay Timbal, nitong nanalasa ang bagyong Maring sa bansa lalo na sa Hilagang Luzon, karamihan sa mga tao ang nag-alinlangang magsilikas dahil sa pangambang mahawaan ng COVID-19 habang nasa loob ng mga evacuation centers.

“Matindi pa rin ‘yung concern talaga ng tao when it comes to covid-19. Kasi half of the evacuated population opted to stay doon sa mga kamag-anakan nila, not in evacuation centers. Ibig sabihin, some people are still concern na baka magkasakit sila with covid-19 ‘pag nasa evacuation center. And this also translate dun sa hesitance din nung iba nating kababayan na mag-evacuate,” pahayag ni Timbal sa panayam sa Barangay Simbayanan.

Kaugnay nito, tinitiyak naman ng NDRRMC ang kaligtasan ng mga tao laban sa sakuna at COVID-19 transmission sa simula pa lamang ng paglikas hanggang sa maihatid sa evacuation centers ang mga higit na apektado.

Dagdag pa ni Timbal na sa ganitong sitwasyon, maaaring magsagawa ng COVID-19 procedures ang mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng mga apektadong residente laban naman sa virus.

“Pagdating sa evacuation center, doon the local government units can implement antigen testing, rapid testing para ma-check nila kung mayroon nga pong may sakit na possible na COVID-19… Tapos ‘pag nandun na ‘yung mga tao, continuing ang health monitoring para agad na ma-isolate at contact tracing,” saad ni Timbal.

Ang Bagyong Maring ang ika-13 bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong taon at nakaapekto sa humigit-kumulang 160,000-pamilya sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Cordillera, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas at Caraga Region.

Samantala, naitala naman ng Department of Health ang 4,405-panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan aabot na ngayon sa 57,763 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso nito.

Habang umabot na sa 2,661,602 ang kabuuang bilang ng mga gumaling at 41,942 naman ang bilang ng mga nasawi dulot ng virus.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 1,074 total reads

 1,074 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 3,196 total reads

 3,196 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 10,833 total reads

 10,833 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 48,212 total reads

 48,212 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 79,483 total reads

 79,483 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 156,333 total reads

 156,333 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 250,040 total reads

 250,040 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,191 total reads

 73,191 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top