Nine days of mourning, inilaan ng Diocese of Cubao kay Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,786 total reads

Naglaan ang Diocese of Cubao ng siyam na araw na pagluluksa sa pagpanaw ng pinunong pastol ng mahigit sa 1.4-bilyong katoliko sa buong mundo.

Sinimulan ang “nine days of mourning” sa misang ini-alay kay Pope Francis sa Immaculate Concepcion Cathedral na pinangunahan ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., noong ika-22 ng Abril, 2025.
Tiwala si Bishop Ayuban na sa kabila ng pagpanaw ng Santo Papa ay ipagpatuloy ng mga mananampalataya at higit na mapatibay ng simbahan ang sinodo.

Ito ay sama-samang paglalakbay bilang nagkakaisang simbahan at church of the poor na sinimulan ni Pope Francis.

“His dreams were not his own but the dream of God, especially in the area of synodality and being the church for the poor ang nasimulan niyang mga magagandang gawain in favor of inclusivity, in favor of synodality, in favor of our common home ay sana maipagpatuloy ng simbahan kahit wala na siya, we do not honor and celebrate the death of a person, we are gathered here today for the celebration of his life,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Ayuban.

Ipinapanalangin ng Obispo ang pagtitiwala ng mga mananampalataya sa Espiritu Santo para sa susunod na pinunong pastol ng simbahang katolika upang maisakatuparan ang mga adhikain ni Pope Francis.

“Kaya naniniwala tayo na siya ay kasama sa muling pagkabuhay ng ating Panginoon and his Death is also a confirmation na validation about what he is truth for, what he fought for in the church, kaya ang magagawa natin sa gitna ng dalamhati at pagluluksa ay sikapin na maipagpatuloy at maisakatuparan yung kaniyang mga pangarap, na pangarap din ng Panginoon,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Ayuban.

Tuwing alas-siete ng gabi ay ipinapatunog ang mga kampana sa lahat ng simbahan sa Diocese of Cubao bilang pakikiisa sa pagluluksa ng pagpanaw ni Papa Francisco.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 6,006 total reads

 6,006 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 42,351 total reads

 42,351 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 98,757 total reads

 98,757 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 222,141 total reads

 222,141 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top