No Sunday movement, ipapatupad sa Diocese of Kidapawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,258 total reads

Tiniyak ng Diocese of Kidapawan ang pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan upang matugunan ang kasalukuyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Kidapawan City.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, nakikiisa ang buong Simbahan sa panawagan ng local IATF sa lungsod kaya naman naghanda na rin ang diyosesis ng ilang mga pagbabago bilang tugon sa muling pagpapatupad ng General Community Quarantine bilang pag-iingat mula sa COVID-19.

Pagbabagi ng Obispo, kabilang sa mga pinaghahandaan ng diyosesis ang ay ‘No Sunday Movement’ na ipatutupad ng lokal na pamahalaan kung saan ililipat ng diyosesis ang pampublikong misa tuwing araw ng Linggo sa araw ng Sabado o kaya naman ay depende sa mapagkakasunduan sa bawat parokya.

[smartslider3 slider=21]

“Our province is GCQ [General Community Quarantine] beginning May 30, and No Sunday Movement. [Ang] Simbahan nakikiisa sa panawagan ng IATF kaya Sunday masses for the people transferred to Saturday, preferably after 12nn. Parishes may schedule according to their needs.” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Paliwanag ni Bishop Bagaforo, bagamat tuloy ang pagsasagawa ng mga banal na misa kada araw sa mga parokya ay mahigpit namang ilalaan ang umaga ng araw ng Sabado para sa mga kasal, libing at binyag.

Binigyang diin rin ng Obispo na lilimitahan ang sunday masses isa mga naglilingkod sa Simbahan na maaring daluhan ng mga mananamapalataya sa pamamagitan ng pagsubaybay sa online livestreaming ng mga parokya.

“Saturday morning reserved for weddings, funerals, and baptisms. Sunday masses are still to be celebrated in the main church with very limited attendance.. like sacristans, lectors, etc. Daily masses in church and at Gkk continue.”

Dagdag pa ni Bishop Bagaforo. Una nang umapela ng kooperasyon si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista dahil sa pagtaas ng kaso ng sakit sa lungsod kung saan inaasahan ang muling pagbabalik ng General Community Quarantine.

Batay sa tala nasa mahigit 100 na ang kasalukuyang active COVID-19 cases sa Kidapawan City kung saan 70-porsyento sa mga ito ang symptomatic habang 30-porsyento naman ang asymptomatic.

Ayon sa lokal na pamahalaan karamihan sa mga nahawaan ng virus ay mga magkakamag-anak na bunga ng iba’t ibang uri ng pagtitipon.

Dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 muling binuksan ang City Gymnasium sa lungsod upang magsilbing pansamantalang treatment facility ng mga mayroong mild cases matapos na mapuno ang mga ospital sa lungsod.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 155,560 total reads

 155,560 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 228,252 total reads

 228,252 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 261,698 total reads

 261,698 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 296,997 total reads

 296,997 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 517,417 total reads

 517,417 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top