Prelatura ng Batanes, all out support sa vaccination roll out ng lalawigan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 692 total reads

Tiniyak ng Prelatura ng Batanes ang pakikiisa ng buong Simbahang Katolika sa vaccination roll-out program sa Batanes upang mapanatiling COVID-Free ang probinsya.

Ayon kay Batanes Bishop Danilo Ulep, handa na ang mag lingkod ng Simbahan sa prelatura upang magpabakuna bagamat nasa A2 priority group o mga senior citizens pa lamang ang binabakunahan at nasa A4 category naman kabilang ang mga lingkod ng Simbahan bilang mga spiritual frontlines.

Pagbabahagi ng Obispo, isa sa kanyang mga tiniyak sa Provincial COVID-19 Task Group sa probinsya ay ang aktibong pagtugon ng buong Prelatura ng Batanes sa kasalukuyang vaccination roll-out program ng lokal na pamahalaan upang magsilbi ring huwaran at mahikayat ang iba pang mamamayan na magpabakuna laban sa COVID-19.

“As the Church leadership is concern and that includes myself and the priests of course all the priests are available and ready to take the vaccine, sabi ko nga sa [Provincial COVID-19] Task Force Group that although we are still on the A4 category, the moment the vaccination will be done on that group then I told the Task Group that they can count on the priest to be the first to sign up for the vaccination.” pahayag ni Bishop Ulep sa Radio Veritas.

[smartslider3 slider=21]

Paliwanag ni Bishop Ulep, bagamat kabilang sa A4 priority group ang mga lingkod ng Simbahan tulad ng mga Pari at mga Obispo ay maaari naman mas unang mabakunahan ang ilang mga lingkod ng Simbahan sa ilalim na rin ng A3 priority group dahil sa pagtataglay ng comorbidity.

Pagtiyak ng Obispo, katuwang ng lokal na pamahalaan ang buong Prelatura ng Batanes sa pagsusulong ng vaccination roll-out program upang mapanatiling COVID-Free ang probinsya.

“Some of our priest can also be qualified under the A3 group including myself because of comorbidity so mostly may mga underlying medical conditions so I think it’s not a problem for the priests and for myself as far as agreeing to be vaccinated is concern so we are ready and we look forward to receive the vaccines.” Dagdag pa ni Bishop Ulep.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Batanes, matapos na mabakunahan ang halos 90-porsyento ng mga medical frontliners sa probinsya ay kasalukuyan ng tinututukan ang pagpapabakuna sa mga Senior Citizens o mga kabilang sa A2 Priority Group.

Batay sa 2018 data ng Philippine Statistics Authority (PSA) nasa mahigit 17-libo ang bilang ng populasyon sa Batanes kung saan target ng Provincial COVID-19 Task Group na mabakunahan ang nasa 14-libong indibidwal upang makamit ng probinsya ang herd immunity mula sa COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 123,191 total reads

 123,191 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 157,869 total reads

 157,869 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 179,915 total reads

 179,915 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 216,401 total reads

 216,401 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 227,034 total reads

 227,034 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top