E-dalaw system ng BJMP, pinuri ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 765 total reads

Pinuri ng prison pastoral care ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang electronic dalaw system ng mga piitan sa bansa.

Ayon kay Gerry Bernabe, national coordinator ng komisyon mahalaga ang komunikasyon sa pamilya ng mga ‘persons deprived of liberty o PDL’ lalo ngayong panahon ng pandemya. Sinabi ng opisyal mahalaga ito lalo’t isa sa kaugalian ng mga Filipino ang pagiging malapit sa pamilya partikular sa mga panahong nahaharap sa matinding pagsubok sa buhay.

“Napakagandang inisyatiba ng pamahalaan lalo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na magkaroon ng ‘E-dalaw’ system; isa ito sa very essential needs ng mga bilanggo ang magkaroon ng komunikasyon sa kanilang pamilya,” bahagi ng pahayag ni Bernabe sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag pa ng opisyal makatutulong ito sa mga PDL na patuloy naghihintay ng resulta ng paglilitis ng kaso sa mga hukuman.

[smartslider3 slider=21]

Dahil dito nanawagan ang prison ministry ng simbahan sa pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad sa pasilidad ng mga piitan sa bansa lalo na sa makabagong teknolohiya upang maisasagawa ang e-dalaw sa lahat ng piitan.

“Nanawagan ako sa kongreso na sana paglaanan ng budget ang BJMP next year para lahat ng mga jails ay internet compliant na at ma-replicate ang e-dalaw hindi lang sa BJMP kundi maging sa Bureau of Corrections,” ani Bernabe.

Ayon kay Bernabe ito na rin ay maituturing na new normal sa mga piitan lalo’t nilimitahan ang pisikal na pagdalaw upang makaiwas sa pagkahawa mula sa virus at ginagawa na rin ang virtual case hearing sa mga paglilitis.

Nababahala ang CBCP sa pagbabawal sa pagdalaw ng mga kaanak ng mga PDL sapagkat ito ang nagiging sanhi ng kaguluhan sa mga piitan dahil sa naransang ‘extreme boredom’ ng mga bilanggo.

Kaugnay dito patuloy naman ang pagpapatupad ng prison ministry ng mga gawaing pang espiritwal katuwang ang mga jail chaplains’ ng BJMP tulad ng mga Banal na misa para mahubog ang espiritwalidad ng mga bilanggo.

“May mga jail chaplains’ ng nagsasagawa ng mga Misa sapagkat kailangan din ang spiritual and pastoral care ng mga PDLs, essential din ito para sa kanila,” giit ni Bernabe.

Sa kasalukuyang tala mahigit na sa 200-libo ang mga nakakulong sa mahigit 900 kulungan sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 152,542 total reads

 152,542 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 225,439 total reads

 225,439 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 258,887 total reads

 258,887 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 294,186 total reads

 294,186 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 514,755 total reads

 514,755 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top