Northern Luzon Clergy retreat, magpapalago sa relasyon ng mga pari at mga layko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,572 total reads

Umaasa ang arsobispo ng Archdiocese of Nueva Segovia na magdulot ng malagong bokasyon ng mga lingkod ng simbahan ang ginanap na Northern Luzon Clergy retreat.

Ayon kay Archbishop Marlo Peralta kinakailangan ng mga pari ang regular renewal upang mas mapaigting ang ugnayan sa Panginoon na makatutulong sa gawaing pagpapastol.

“Maging magandang bunga itong regional retreat namin makatutulong sa amin itong mapalago ang aming relasyon sa Panginoon para sa ganoon lalago rin ang relasyon namin sa mga tao.” pahayag ni Archbishop Peralta sa Radio Veritas.

Hamon ng arsobispo sa mga paring dumalo sa limang araw na pagtitipon simula July 31 na maipadama sa nasasakupang kawan ang bunga ng mga pagninilay at magiging daan upang higit mailapit ang tao sa Panginoon.

Pinangunahan ni missionary priest Fr. Chris Alar, MIC bilang retreat master ang pagtitipon sa Our Lady of the Atonement Cathedral sa Baguio City na magtatapos sa August 4, 2023 sa kapistahan ni St. John Mary Vianney.

Si Fr. Alar ang Provincial Superior ng Blessed Virgin Mary, Mother of Mercy Province of the Marian Fathers of the Immaculate Conception sa Estados Unidos na may akda sa tanyag na ‘Divine Mercy 101’ at ‘Explaining the Faith’ DVD series gayundin sa aklat na ‘After Suicide: There’s Hope for Them and for You.

Humigit kumulang sa 1, 000 mga pari mula sa mga Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan, Nueva Segovia, Tuguegarao gayundin ang mga Diyosesis ng Alaminos, Baguio, Bangued, Bayombong, Ilagan, Laoag, Urdaneta, San Jose Cabanatuan, Prelatura ng Batanes, Tabuk Kalinga, Vicariate ng Bontoc Lagawe.

Ang Northern Luzon Clergy Retreat ay unang isinagawa noong 2018 at ginaganap tuwing ikalawang taon na layong magbuklod sa pagninilay ang mga pastol ng simbahan para sa pagpapaunlad ng bokasyon at misyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 34,003 total reads

 34,003 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 67,458 total reads

 67,458 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 103,941 total reads

 103,941 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 122,153 total reads

 122,153 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 204,652 total reads

 204,652 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top