“Now if your brother sins, correct him first in private…” (Matthew 18:15)

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,561 total views

Hinimok ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang publiko, lalo na ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan na magsagawa ng pagninilay kaugnay sa moralidad at ‘tamang asal.’

Ang pahayag ng obispo ay kasunod na rin ng kontrobersya sa pagitan ng magkapatid na sina Sen. Imee Marcos at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Ramos.

Iginiit ng obispo, nakakabahala ang publikong paratang ng senador laban sa kanyang kapatid na Pangulo at gayundin sa Unang Ginang na aniya’y hindi naangkop.

“Yes, the public has a legitimate right to be informed about the health and capacity of its leaders, especially the President. But publicly accusing a family member—without due process, without clear evidence, and outside the proper forum—undermines not only these values but also the dignity of all involved,” ayon sa pahayag ng obispo.

Sinabi ng obispo ang transparency sa pamamahala ay haligi ng demokrasya, ngunit dapat ding isaalang-alang kung ito ba ang tamang paraan, lugar at panahon.

Ayon pa kay Bishop Santos, “If this were truly an act of love and concern for a sibling and for the Filipino people, why only now—and why in such a manner?”

Ipinaliwanag ng obispo na ang tamang paraan ay dapat pribado, may malasakit at pag-iingat. Tinuturo ng Ebanghelyo ang tamang landas: “Now if your brother sins, correct him first in private…” (Matthew 18:15).

Giit pa ni pastol ng Antipolo, ang publikong paratang ay dapat huling opsyon, lalo na kung ito ay nagiging palabas sa halip na taos-pusong panawagan tungo sa pagbabago.

Mungkahi ni Bishop Santos na higit sa pulitika, kailangan ng isang moral na pagninilay para sa bansa, kung saan binigyang-diin niya ang tatlong hakbang:

Makonsensya

Giit ni Bishop Santos, dapat harapin ang katotohanan nang tapat sa Diyos, sa sarili, at sa publiko.

“What is my intention? What truth must I face? What healing must I seek? Conscience is the quiet voice of God within us. It must guide our words, our actions, and our silence.”

Magpatawad

Ang pagpapatawad, ayon sa obispo ay hindi paglimot kundi pagpili ng pagmamahal sa halip na sama ng loob. Kung may sugat na naidulot, dapat magpakita ng awa.

“Forgiveness is not weakness—it is the beginning of healing.”

Magbago

Hinihikayat ng obispo ang lahat na gamitin ang pagkakataon upang magbago at pagbutihin ang sarili. Hindi lamang para ipagtanggol ang sarili kundi para sa tunay na pagbabago.

“If there is truth in the accusation, then let this be the beginning of conversion. Seek help. Seek healing. Seek holiness.”

Binigyan-diin pa ni Bishop Santos, higit na kinakailangan ng bansa ang karapat-dapat na pinuno na may kakayahan at moralidad.

“This is not just a political moment—it is a moral one. The Filipino people are watching. The youth are listening. What kind of example are we setting?”

Hinimok ni Bishop Santos ang lahat na piliin ang landas ng konsensya, pagpapatawad, at pagbabago, upang makabuo ng lipunang may tinig ng katotohanan nang may pagmamahal at namumuhay ng pagmamahal nang may katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 37,841 total views

 37,841 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 162,252 total views

 162,252 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 204,871 total views

 204,871 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 283,508 total views

 283,508 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

11-member prosecution panel, buo na

 14,375 total views

 14,375 total views Pormal nang binuo ng Kamara de Representantes ang 11-miyembrong prosecution panel na hahawak sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Scroll to Top