Obispo, dismayado sa “white sand project” sa Manila bay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 599 total views

Dismayado si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa hindi napapanahong proyekto ng pagpapaganda at paglalagay ng artificial white sand sa Manila Bay bilang bahagi ng rehabilitasyon nito sa gitna ng krisis na kinahaharap ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ng Obispo sa panayam ng Radyo Veritas na hindi naaangkop na mas bigyang prayoridad at paglaanan ng pondo ang nasabing proyekto dahil marami ang dumaranas ng hirap at nagugutom sa epekto ng pandemya.

“Ngayong panahon po na napakaraming mga tao na walang trabaho, na walang pagkain, tapos kung gagawa ng ganyang project na aabutin ng higit 300 million (pesos) para lang sa white sand, parang hindi po angkop sa ating panahon ngayon.”,pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Iginiit rin ng Obispo na mas nararapat na ilaan ng Department of Environment & Natural Resources ang pondo sa pagkakaloob ng trabaho at pagkain sa mamamayang lubos na apektado ng pandemya.

“So ‘yan po’y marami pong mga hindi tama sa paggawa po ng project at lalung-lalo na sa’ting panahon ngayon na hindi angkop sa kalagayan ng ating bayan. Kaya kung ang DENR ay may pera, itulong nya sana sa mga pagbibigay ng trabaho, pagbibigay ng pagkain sa mga nangangailangan.”, dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Ipinaliwanag ng bispo na hindi rin nakatitiyak na ang nasabing white sand ay magtatagal at mapapanatili ang kagandahan ng Manila Bay dahil mapupuno lamang ito ng basura kapag sinalanta ng bagyo ang bansa.

“Hindi pa naman natin sigurado na ang white sand na ‘yan ay mananatili kasi alam naman natin na kapag t’wing bumabagyo ay talagang pinapasukan ‘yan ng lahat ng mga dumi so, pansamantala lang ‘yung kagandahan nyan.”pahayag ni Bishop Pabillo

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 3,708 total views

 3,708 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 32,059 total views

 32,059 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 99,789 total views

 99,789 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 122,940 total views

 122,940 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 192,870 total views

 192,870 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top