Obispo, hinikaya’t ang mga magulang na maging guro sa tahanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 615 total views

Binigyan pagpapahalaga ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang kahalagahan ng edukasyon at ang pakikibahagi ng bawat kabataan upang matutong makapagbasa at sumulat.

Ito ang mensahe ni San Fernando La Union Bishop Daniel Presto -vice chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE) sa paggunita ng International Literacy Day sa September 08.

“Ipinapaalala sa atin ang kahalagahan ng edukasyon para sa bawat mamamayan, para sa pamayananan, at para sa buong lipunan. Sabi nga ‘iba ang may alam’ at ‘read and lead’ ang edukasyon ay karapatan ng mamamayan, ito ay tungkulin ng bawat isa lalo ng mga magulang,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Presto sa Radio Veritas.

Hinimok din ng Obispo ang sektor ng edukasyon na pag-ibayuhin ang pag-tugon sa mga suliraning kinakaharap ng edukasyon katulad ng pagtaas ng bilang ng mga hirap na magbilang, magbasa at magsulat.

Panawagan ni Bishop Presto sa mga magulang na paglalaan ng panahon na turuan ang mga bata na magbasa, magsulat at malinang ang kanilang mga kakakayahan.

“Ugaliin din nating bigyang pansin na makapagbasa kahit ilang minuto sa isang araw, o magbigay ng regalong aklat o mag donate ng aklat sa public libraries, nawa’y ang International Literacy Day ay hindi lang natin maipagdiwang kundi ay maging atin ding kamalayan,” ayon pa sa mensahe ng Obispo.

Batay sa datos ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), taong 1967 ng simulan ang ibat-ibang pagdiriwang ng International Literacy Day sa buong mundo.

Sa pag-aaral ng United Nations Children’s Fund ngayong taon, natuklasang 85% ng mga kabataang nasa edad 10-taong gulang pababa ang hirap basahin ang mga simpleng pangungusap na itinuturo sa mga paaralan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lason sa utak ng kabataan

 27,454 total views

 27,454 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 54,105 total views

 54,105 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 149,163 total views

 149,163 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 170,702 total views

 170,702 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 183,910 total views

 183,910 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top