Obispo, hinimok ang mga botante na magpatala sa voters registration

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 674 total reads

Ang tunay na Kristiyano ay makabayan at responsableng nakikibahagi sa mga usaping panlipunan tulad ng halalan.

Ito ang paalala ni Diocese of Borongan Bishop Crispin Varquez para sa nakatakdang National and Local Elections sa susunod na taon.

Sa pamamagitan ng isang video message na ibinahagi ng Obispo sa Voice of the Word Media Network ng diyosesis ay hinakayat ni Bishop Varquez ang bawat isa na magparehistro sa kasalukuyang voters’ registration ng Commission on Election upang makasali at makabahagi sa nakatakdang halalan sa bansa.

Ayon sa Obispo, nakalulungkot na nananatiling pera pa rin na nagiging pangunahing sukatan upang manalo ang isang kandidato tuwing halalan.

Giit ni Bishop Varquez, mahalagang magkaisa ang bawat mamamayang Filipino sa darating na halalan upang maipakita na ang pulitika ay hindi isang uri ng negosyo sa halip ay pagsiserbisyo sa publiko.

 

[smartslider3 slider=22]

 

“Sumali at makiisa sa darating na halalan, sa COMELEC magparehistro. Ang tunay na Kristiyano ay makabayan at responsable na nakikiisa sa halalan. Nakakalungkot ang kalagayan kung pera pa rin ang sukatan para manalo sa halalan. Pagbabago ang panawagan ng bayan, bumoto na hindi pera ang basehan. Ipakita natin na politics is not a business, politics is service”.pahayag ni Bishop Varquez.

Ipinaliwanag ng Obispo na mahalagang iboto at ihalal ang mga kandidato na handang magsakripisyo ng sarili at magserbisyo para sa kabutihan ng bayan at ng mamamayan.

Partikular na hinamon ni Bishop Varquez ang mga kabataan na makibahagi sa pagsusulong ng pagbabago sa bayan sa pamamagitan ng matalinong pakikilahok sa nakatakang National and Local Elections sa susunod na taon.

Sinabi ng Obispo na hanggang buhay ang pananampalataya ng bawat isa ay hindi dapat na mawalan ng pag-asa sa pagkakaroon ng ganap na pagbabago sa bayan para sa ikabubuti ng bawat mamamayan.

“Bumoto ng kandidato na handang magsakripisyo sa sarili para sa kabutihan ng karamihan. I challenge everyone especially ang mga kabataan na simulan ang pagbabago. Huwag mawalan ng pag-asa, hanggat buhay ang pananampalataya ng tao ay may pag-asa sa pagbabago.” Dagdag pa ni Bishop Varquez

Unang nagkaisa ang iba’t ibang diyosesis sa buong bansa upang tumugon sa panawagang ng NASSA/Caritas Philippines na Kampana para sa Halalan 2022 bilang hudyat para sa nakatakdang halalan sa ika-9 ng Mayo, 2022.

Sa pamamagitan ng pagpapatunog ng mga kampana ay layunin ng buong Simbahang Katolika na mapukaw ang atensyon at kamalayan ng taumbayan sa panawagan para sa lahat ng magpatala sa kasalukuyang voters’ registration.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 17,652 total reads

 17,652 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 17,779 total reads

 17,779 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 32,158 total reads

 32,158 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 88,564 total reads

 88,564 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 212,065 total reads

 212,065 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 295,885 total reads

 295,885 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top