Obispo, nababahala na magamit sa pulitika ang adhikain ng “kindness station at community pantries

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 596 total reads

Ang patuloy na pangangaral ng Salita ng Diyos at ang pagtindig sa dangal ng bawat nilalang ang iniwang misyon ni Hesus para sa kanyang mga alagad na ipinagpapatuloy ng Simbahan matapos ang kanyang pag-akyat sa langit.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Diocese of Baguio Bishop Victor Bendico kaugnay sa paggunita ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ni Hesus sa Langit o Solemnity of the Ascension of the Lord.

Ayon sa Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Liturgy, sa pag-akyat sa langit ni Hesus ay hindi nanatiling nakatingin sa langin ang kanyang mga alagad bagkus ay ipinagpatuloy ang misyong sinimulan ni Hesus sa daigdig.

Pagbabahagi ni Bishop Bendico, kabilang sa misyon na ito na ipinagpapatuloy rin ng Simbahan at mga Kristiyano magpahanggang sa ngayon ay ang pagpapakain sa mga nagugutom, pagpapa-inom sa mga nauuhaw, pagpapatuloy sa mga dayuhan, pagbibihas ng damit sa mga walang saplot at ang pagdalaw sa mga may sakit at nakabilanggo na tinatawag na corporal works of mercy.

 

[smartslider3 slider=21]

“Ang mga alagad ay hindi nanatiling nakatingin sa langit magpakailanman. Bumalik ang kanilang paningin sa lupa. Pinagmasdan nila ang kanilang paligid at ang mundo. Ipinangaral nila ang Magandang Balita sa lahat ng tao. Itinindig nila ang dangal ng tao ayon sa aral ni Jesus na pinagpatuloy rin ng Simbahan: ang pagpapakain sa nagugutom; ang pagpapa-inom sa mga na-uuhaw; ang pagpatuloy sa mga dayuhan; ang pagbigay damit sa mga hubad; ang pagdalaw sa may sakit at nabilanggo.” pahayag ni Bishop Bendico sa Radyo Veritas.

Inihayag ng Obispo na ang nasabing corporal works of mercy ay nangangahulugan ng pagkakawang gawa kung saan ayon kay Hesus kung anuman ang gawin sa mga pinakahamak sa lipunan ay para na ring ginawa sa Kanya.

Partikular namang kinilala ni Bishop Bendico ang layunin ng mga community pantries sa bansa lalo na ngayong panahon ng pandemya na nagpapamalas ng kabutihan at tumutugon sa pangangailangan ng mga nagugutom at nauuhaw.

Nagpahayag rin ng suporta ang Obispo sa tinaguriang mga ‘Caritas Kindness Station’ kung saan higit na nabibigyang diin ang pagkakawang gawa sa kapwa na misyong iniatas ni Hesus sa bawat isa.

“If there is one word that can summarize all these corporal works of mercy, it is charity. And the Church has been faithful to the mandate if Jesus to be charitable to the needy, to the poor. It is really admirable that the so-called community pantries have been sprouting in different areas of our country to show kindness and compassion to the poor – to those who are hungry and thirsty. And I support the idea of some people in the Church to emphasize more the spirit if charity by calling it ‘Caritas Kindness Station’.” Dagdag pa ni Bishop Bendico.

Gayunpaman, nagpahayag ng pagkabahala ang Obispo sa posibilidad na magamit ng mga politiko ang mabuting layunin at adhikain ng pagkakawanggawa para maisulong ang mga pampulitikong interes lalo na at papalapit na ang halalan sa susunod na taon.

Giit ni Bishop Bendico, ang kasakiman at pagkakaroon ng pansarilling motibo para sa sariling kapakanan ay isang tahasang paglabag sa layunin ng misyong iniatas ng Panginoon para sa bawat isa.

“Politicians can manuever this noble activity and use it for their political mileage especially that election is already next year. Selfish motives and self-serving hearts are alien to charity.” Ayon kay Bishop Bendico

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 30,508 total reads

 30,508 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 56,555 total reads

 56,555 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 93,931 total reads

 93,931 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 125,199 total reads

 125,199 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 198,664 total reads

 198,664 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 290,131 total reads

 290,131 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 28,712 total reads

 28,712 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top