Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PGH-Chaplaincy, nanawagan ng tulong at panalangin

SHARE THE TRUTH

 543 total views

Nananawagan ng tulong at panalangin ang Philippine General Hospital Chaplaincy para sa mga pasyenteng naapektuhan ng naganap na sunog sa PGH nitong umaga ng Mayo 16.

Ayon kay Jesuit Priest Fr. Marlito Ocon, head chaplain ng ospital na karamihan sa mga pansamantalang inilikas sa PGH Chapel ay mga buntis at mga bagong panganak na sanggol.

“Ang [dinala] dito sa chapel ay mga new born [babies], pedia [patients] and then later on sumunod din ‘yung ibang mga pasyente na walang mapuntahan,” bahagi ng pahayag ni Fr. Ocon sa panayam ng Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Ocon na nagsimula ang sunog bandang alas-2 ng madaling araw sa Operating Room Complex sa ikatlong palapag ng gusali.

Mabilis na kumalat ang apoy sa buong palapag na ang makapal na usok ay nakaapekto na sa iba pang palapag ng gusali.

“Base sa kwento ng mga security guard, nagsimula sa 3rd floor sa OR [Operating Room] Complex, tapos nung pumasok sila nakita nilang nag-spark ‘yung mga wire. So nagsimula nang kumalat sa buong ceiling kaya medyo malaking damage ang 3rd floor kasi doon nagsimula [ang sunog] and then ‘yung usok pumasok na doon sa may 4th at iba pang floors,” ayon kay Fr. Ocon.

Sa ngayon, hindi pa direktang mailipat ang ibang pasyente sa Neonatal Intensive Care Unit dahil may natitira pa ring usok na delikado kapag nalanghap ng mga pasyente.

Samantala, mayroon namang inilunsad na fund raising drive ang PGH Administration para sa mga higit na naapektuhan ng naganap na sunog.

Narito ang detalye kung saan maaaring ipadala ang tulong:

Ipinagpapasalamat naman ni Fr. Ocon na naging alerto at nagtulong-tulong ang lahat ng mga health workers upang mailigtas sa sunog ang mga pasyente.

Patuloy naman ang Bureau of Fire Protection sa pagsasagawa ng imbestigasyon upang malaman ang pinagmulan ng sunog.

Batay sa ulat, naapula ang sunog bandang alas-5:41 ng umaga na aabot sa humigit-kumulang P300,000 ang naitalang pinsala sa gusali.

Pansamantala namang isasara ang emergency room ng PGH at hindi muna tatanggap ng mga pasyente kasunod ng naganap na insidente.

 

[smartslider3 slider=22]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 24,769 total views

 24,769 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 40,857 total views

 40,857 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 78,526 total views

 78,526 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 89,477 total views

 89,477 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 31,602 total views

 31,602 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 31,603 total views

 31,603 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top