Obispo, nababahala sa tumataas na unemployment sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 445 total reads

Inihayag ng isang lider ng Simbahang Katolika na mapanganib para sa kinabukasan ng tao ang kawalan ng trabaho.

Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, ang namumuno sa Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ng Catholic Bishop Conference of the Philippines, mahalagang mapagkalooban ng trabaho ang mamamayan sa pangunguna ng pamahalaan upang makatutulong sa pagtataguyod ng kanilang mga pamilya.

“One of primary duties of government is to provide jobs, jobs which are stable, secured and safe. Without jobs, lives are endangered and future in uncertain,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng Obispo ay kaugnay sa tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa na batay sa survey ng Social Weather Station ay 22-porsiyento o kabuuan ng 9.8-milyong Filipino ang walang hanapbuhay.

Iginiit ni Bishop Santos na ang kawalang oportunidad sa Pilipinas ang dahilan sa pakikipagsapalaran ng mga Filipino sa ibang mga bansa.

“Without jobs here our people are forced to migrate,” dagdag ng Obispo.

Ipinaliwanag ng Obispo na kaakibat ng pangingibang bayan ng mga Filipino ay ang paghihirap at pagsasakripisyo ng mismong OFW at ang pamilyang naiiwan sa Pilipinas.

Dahil dito nanawagan si Bishop Santos sa mga kinauukulang opisyal na paigtingin ang pagtugon sa laganap na kawalang trabaho ng mamamayan kasabay ng pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.

“It is imperative that government should plan and prioritize their efforts to build up economy and create jobs,” pahayag ng Obispo.

Magugunitang sa pagdalaw ni Pope Francis sa Pilipinas noong 2015 kinilala ng Pinunong Pastol ng Simbahang Katolika ang dedikasyon ng mga OFW na masigasig sa paghahanapbuhay na malayo sa kanilang mga pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 81,782 total reads

 81,782 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 129,218 total reads

 129,218 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 177,089 total reads

 177,089 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 281,037 total reads

 281,037 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 363,353 total reads

 363,353 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top