Obispo ng Baguio, itinalagang arsobispo ng archdiocese of Capiz

 2,813 total views

Itinalaga ng Kaniyang Kabanalan Francisco si Bishop Victor Bendico bilang bagong arsobispo ng Archdiocese ng Capiz.

Si Archbishop-elect Bendico ay ang kasalukuyang obispo ng Diocese of Baguio na naglingkod sa loob ng anim na taon.

Ang 63-taong gulang na obispo ang hahalili sa naiwang posisyon ni Cardinal Jose Advincula na itinalaga bilang Arsobispo ng Maynila noong 2021.

Ang arkidiyosesis ay ‘sede vacante’ sa loob ng dalawang taon na pansantalang pinangasiwaan ni Msgr.Cyril Villarreal.

Si Archbishop-elect Bendico ay isinilang noong January 22, 1960 at inordinahang bilang pari noong April 1984 sa Archdiocese ng Capiz.

Bukod sa pagiging obispo ng Baguio nagsilbi din si Archbishop-elect Bendico bilang Apostolic Administrator ng San Fernando La Union simula 2017-2018.



truthshop
Shadow
Spiritual Frontliner banner

BE OUR PARTNERS!

ads
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow


Subscribe Now to Received Latest News and Blogs

Subscribe to us and receive latest News & Updates in your inbox