Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo, umaasa sa patas na imbestigasyon sa naganap na PNP at PDEA misencounter

SHARE THE TRUTH

 368 total views

Hinihikayat ng Military Ordinariate of the Philippines ang mananampalataya na ipanalangin ang paggabay ng Panginoon sa mga nag-iimbestiga sa naganap na ‘misencounter’ sa pagitan ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong ika-24 ng Pebrero.

Umaasa si Military Diocese Bishop Oscar Jaime Florencio na sa pamamagitan ng isinasagawang imbestigasyon ay maliwanagan ang lahat sa naging sanhi ng engkwentro.

Tiwala naman ang Obispo sa pagiging patas ng isinasagawang imbestigasyon upang mabigyan ng katarungan ang mga nasawi at mapanagot ang mga may pananagutan sa naganap na sagupaan.

Positibo din si Bishop Florencio na sa pamamagitan ng resulta ng imbestigasyon ay makabuo ang bawat ahensya ng mga naaangkop na rekomendasyon at pamamaraan upang maiwasan na muling maulit pa ang naganap na engkwentro.

“Praying also for guidance and enlightenment for the investigating team so that they can present to us a fair and siguro later on the future they can present to us some sort of good recommendations na hindi na ito mauulit ang mga bagay na ganito…” pahayag ni Bishop Florencio sa panayam sa Radio Veritas.

Hinihimok rin ng Obispo ang bawat mananamapalataya na ipanalangin ang pamamagitan ng Espiritu Santo at ni San Jose upang magabayan ang bawat isa sa pagganap sa bawat tungkulin at misyon ng may buong sigla, sigasig at puno ng pagmamahal.

Paliwanag ni Bishop Florencio, mahalaga ang tatlong salik na ito upang maging ganap ang misyon na iniatang ng Panginoon sa buhay ng bawat isa.

“Let us ask for that help from the Holy Spirit and also from Saint Joseph, yung ating year ngayon we are asking the intercession of Saint Joseph to guide us do the task that we are supposed to do and do it promptly, diligent and most of all do it with love, because if everything is under these ambiance of promptness, diligence and love everything will be okay and we can assured that itong lahat ay may gabay ng ating Panginoon…” Dagdag pa ni Bishop Florencio.’

Una ng pinayuhan ng Obispo ang mga kawani ng dalawang ahensya na hindi dapat na magkaroon ng kompetensya sa halip ay magtulungan sa pagsugpo ng talamak na kalakalan ng droga sa bansa.

Samantala nasasaad sa Liham Apostoliko ng Kanyang Kabanalanan Francisco na may titulong “Patris Corde” ang deklarasyon ng Santo Papa sa pagdiriwang ng Taon ni San Jose mula Disyembre 8, 2020 hanggang Disyembre 8, 2021 bilang paggunita sa ika-150 anibersaryo ng pagkaka-deklara kay San Jose bilang Patron ng buong Simbahang Katolika at pagiging isang mabuting huwaran bilang isang ama at asawa kay Hesus at Maria.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 9,003 total views

 9,003 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 59,566 total views

 59,566 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 8,257 total views

 8,257 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 64,747 total views

 64,747 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 44,942 total views

 44,942 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Lumaban sa martial law, binigyang pugay ng TFDP

 3,127 total views

 3,127 total views Hinihimok ng Task Force Detainees of the Philippines ang mga Pilipino na patuloy na alalahanin ang mga matapang na lumaban para sa demokrasya at kalayaan ng bansa mula sa kadilimang dulot ng Batas Militar. Ito paalala ni TFDP chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm., sa paggunita ng ika-52 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Union of Bicol Clergy, itinakda

 3,039 total views

 3,039 total views Nakatakdang magtipon ang mga pari mula sa walong ecclesiastical jurisdictions ng Bicol region na nasa ilalim ng manto ng Mahal na Ina ng Peñafrancia na siyang patron ng rehiyon ng Bicolandia. Magtitipon ang Union of Bicol Clergy sa ika-17 hanggang ika-19 ng Setyembre, 2024 na may tema ngayong taon na “Forging Bikol Priestly

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Sambayanang Pilipino, inaanyayahan sa international “good governance” webinar

 3,117 total views

 3,117 total views Inaanyayahan ng Catholic Teachers’ Guild of the Philippines (CTGP) ang mga layko na makibahagi sa nakatakdang international webinar na tatalakay sa kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa mabuting pamamahala o good governance. Ayon kay CTGP National President Prof. Belén L. Tangco, OP, PhD, tampok sa international webinar ang anim na guest speakers’ mula

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Archdiocese of Jaro, nagpapasalamat sa NHCP

 3,529 total views

 3,529 total views Pinangunahan ni Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo ang paglagda at pagtanggap ng certificates of transfer and acceptance sa dalawang restoration projects ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa convent at ceiling paintings ng Sta. Ana Parish Church sa Molo, Iloilo City. Naganap ang turn-over ceremony noong ika-8 ng Setyembre, 2024 kasabay

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Walang VIP sa batas

 6,241 total views

 6,241 total views Nanawagan ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mamamayan na bantayan ang pag-usad ng kaso ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy. Ito ang panawagan ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo makaraang sumuko si Quiboloy sa mga awtoridad kasama ang iba pang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Technical education sa drug rehabilitated dependents, pinaboran ng CHR

 6,632 total views

 6,632 total views Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights (CHR) sa panukalang batas na naglalayong mabigyan ng pagsasanay at edukasyong teknikal ang mga rehabilitated drug dependents bilang bahagi ng pagbibigay ng pangalawang pagkakataon upang makapagbagong buhay. Ayon kay CHR Chairperson Richard Palpal-latoc, malaki ang maitutulong ng batas ni Senator Raffy Tulfo na Senate Bill

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, inaanyayahang makiisa “One minute for Peace”

 6,101 total views

 6,101 total views Inaanyayahan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang mananampalataya na makibahagi sa One Minute for Peace na paglalaan ng isang minutong pananalangin para sa kapayapaan ng daigdig sa ika-8 ng Setyembre, 2024 hanggang sa ika-8 ng Hunyo ng susunod na taong 2025. Kaisa ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Paghubog sa katapatan ng mga botante, prayoridad ng PPCRV

 8,086 total views

 8,086 total views Naniniwala ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na bukod sa pagtiyak ng katapatan ng sistema ng halalan sa bansa ay mahalaga ring tutukan ang paghuhubog sa katapatan ng mismong mga botante. Ito ang binigyang diin ni PPCRV Executive Director Jude Liao kaugnay sa patuloy na suliranin ng vote buying at vote

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

TIBOK PINOY, ilulunsad ng PPCRV

 8,535 total views

 8,535 total views Tiniyak ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang pagsasakatuparan sa mandato bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa Pilipinas. Ito ang ibinahagi ni PPCRV Media and Communications Director Ana De Villa Singson sa puspusang paghahanda ng PPCRV sa nalalapit na 2025 Midterm

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pag-amyenda sa Migrant Workers and Overseas Filipino Act, suportado ng CHR

 8,568 total views

 8,568 total views Supotado ng Commission on Human Rights ang panukalang pagpapalawig sa Emergency Repatriation Fund (ERF) sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Republic Act (RA) No. 8042 o mas kilala bilang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act. Nakapaloob sa House Bill 09388 na inihain ni OFW Partylist Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang pagbibigay ng awtoridad

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Founder ng St. Arnold Janssen Kalinga Center, pinarangalan ng Ateneo de Manila University

 9,000 total views

 9,000 total views Kinilala ng Ateneo de Manila University si Divine Word missionary priest Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva, SVD bilang isa sa mga awardee ng 2024 Traditional University Awards. Igagawad kay Fr. Villanueva ang ‘Bukas Palad Award’ bilang pagkilala sa pambihirang misyon at adbokasiya ng Pari sa pagtulong sa mga palaboy sa Maynila at sa mga

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

20 dambana at simbahan, itinalagang Jubilee churches ng Archdiocese of Manila

 13,851 total views

 13,851 total views Umabot sa mahigit 20 mga simbahan at dambana sa Arkidiyosesis ng Maynila ang itinalagang Jubilee Churches ng arkidiyosesis para sa nakatakdang Ordinary Jubilee of the Year 2025. Ayon sa Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, mahalagang samantalahin ng mga mananampalataya ang biyayang hatid ng pananalangin at pagbisita sa mga itinalagang jubilee churches

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Samantalahin ang pagsibol ng katotohanan.

 13,787 total views

 13,787 total views Ito ang panawagan ni Arnold Janssen Kalinga Foundation founder Rev. Fr. Flavie Villanueva, SVD para sa mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas(Philippine National Police) sa ibinunyag ni Police Lt. Col. Jovie Espenido na pagpapatupad ng quota at reward system sa marahas na implementasyon ng laban kontra illegal na droga ng administrasyong Duterte.

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

11-Diocesan Council of the Laity, magsasama-sama sa Conference on Prayer

 12,678 total views

 12,678 total views Umaasa ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity na maging makabuluhan at epektibo ang nakatakdang Conference on Prayer ng Ecclesiastical Province of Manila upang maihanda ang bawat layko sa Jubilee sa 2025. Ayon kay LAIKO National President Bro. Francisco Xavier Padilla, layunin ng pagtitipon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

No one is above the law

 15,005 total views

 15,005 total views Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na walang sinuman ang mas nakahihigit o nakatataas sa batas. Ito ang bahagi ng pahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines kaugnay sa sitwasyon sa Davao City dulot ng patuloy na paghahanap ng mga pulis kay Kingdom

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top