Obispo, umaasang matigil na culture of impunity sa Pilipinas sa imbestigasyon ng ICC sa war on drugs ng administrasyong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 567 total reads

Itinuring na welcome development ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang isasagawang imbestigasyon ng International Criminal Court sa madugong war on drugs ng pamahalaan.

Ito ang tugon ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Commission on the Laity sa kahilingan ni ICC prosecutor Fatou Bensouda na buksan ang imbestigasyon sa mga paglabag ng karapatang pantao sa bansa.

Paliwanag ni Bishop Pabillo na layunin lamang nito ay mapanagot ang mga nasa likod ng pagpaslang na hindi dumaan sa wastong proseso ayon sa batas at maiwasan ang culture of impunity.

“Ang gusto lang natin maiwasan ‘yung culture of impunity na magagawa nila ang gusto nilang gawin na hindi mananagot. Kasi bahagi po ng good governance, bahagi po ng democracy ang accountability,” pahayag ni Bishop Pabillo.

Iginiit ng obispo na nais lamang ng simbahan na mabigyang katarungan ang marahas na kampanya sa iligal na droga kung saan nilalabag ang karapatang pantao ng mamamayan.

Bagamat suportado ng simbahan ang kampanya kontra ipinagbabawal na gamot nanindigan din itong dapat pairalin ang batas at dumaan sa wastong proseso ang mga sangkot na indibidwal.

Batay sa tala ng iba’t ibang human rights groups humigit kumulang sa 30-libong indibidwal na ang nasawi mula nang ipatupad ang Oplan tokhang noong 2016 na karamihan ay biktima ng extra judicial killings.

Pinuna rin ng opisyal ang pamahalaan na nanindigang hindi makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC.

“Nakakalungkot lang kung wala naman silang kasalanan bakit hindi sila magpa-investigate? Bakit hindi sila mag-participate?” ani Bishop Pabillo.

Matatandaang 2019 nang umalis ang Pilipinas sa Rome Statute na nagtatag ng ICC dahil sa nakaambang imbestigasyon ng korte laban sa mga pagpaslang na iniugnay sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 150,255 total reads

 150,255 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 223,272 total reads

 223,272 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 256,720 total reads

 256,720 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 292,019 total reads

 292,019 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 512,715 total reads

 512,715 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top