OFWs, hinimok ng CBCP na samantalahin ang 1-buwang Overseas voting

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 756 total reads

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga Overseas Filipino Workers sa iba’t ibang bansa na bumoto at samantalahin ang isang buwang Overseas Voting.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos – Vice Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, hindi dapat sayangin ng mga O-F-W ang kanilang kapangyarihan na bumoto at maghalal ng mga bagong lider ng bansa.

Ipinaliwanag ni Bishop Santos na siya ring CBCP Bishop Promoter ng Apostleship of the Sea / Stella Maris – Philippines na dapat samantalahin ng mga O-F-W ang isang buwang Overseas Voting na itinakda mula April 10, 2022 hanggang May 9, 2022.

Ipinaalala ng Obispo na ang pagboto ay isang patas na Karapatan ng bawat mamamayang Pilipino kung saan kaakibat nito ang katungkulan na maging matalino at mapanuri sa kandidatong ihahalal para sa kapakanan at kinabukasan ng bansa.

“We, at CBCP ECMI and Stella Maris, encourage our dear OFWs in their free time and make the best effort to go and vote from this April 10-May 9 in their respective embassies and consular offices. Always remember mayroon kayong K. Your vote is your Karapatan. Your vote is your Katungkulan. And your vote is your Kinabukasan.”panawagan ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Hinikayat naman ng Obispo ang bawat botanteng O-F-W na isaisip ang kanilang sitwasyon at kapakanan sa pagpili ng mga lider na tutugon dito.

Iginiit ni Bishop Santos na dapat na piliin at ihalal ng mga O-F-W ang mga lider na tunay na magsusulong ng mga karapatan at dignidad ng mga manggagawa sa ibayong dagat; proteksyon sa kapakanan ng mga OFW; at magpaparusa sa sinumang mang-aabuso o magsasamantala sa mga Pilipinong manggagawa sa iba’t ibang bansa.

“So you go out and vote bear in mind your situation as OFWs. Vote for those who protect you from inhuman treatment and unjust practices; those who promote your rights and dignity; those who prosecute those whom victimized you.” Dagdag pa ni Bishop Santos.

Tiniyak naman ng Obispo, ang tuwinang pananalangin para sa kapakanan at kaligtasan ng bawat OFW na naninirahan at nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa.
“Remember we are always here praying for you and working for safety, salvation and security in life and works.” Ayon pa kay Bishop Santos.

Batay sa tala ng Commission on Elections (COMELEC) aabot sa mahigit 1.6 na milyon ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers na rehistradong botante sa iba’t ibang bansa.

Sa ilalim ng panuntunan ng COMELEC para sa overseas voting, tanging national positions lamang ang kabilang sa kinakailangang ihalal ng mga botanteng OFW na kinabibilangan ng pangulo, pangalawang pangulo, 12-senador at isang party-list group.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 67,222 total reads

 67,222 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 145,943 total reads

 145,943 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 179,390 total reads

 179,390 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 214,687 total reads

 214,687 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 438,453 total reads

 438,453 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top