Open-pit mining, tinututulan ng South Cotabato Medical Society

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,087 total reads

Nagpahayag ng pagtutol ang South Cotabato Medical Society (SCMS) hinggil sa pagpapahintulot ng open-pit mining sa lalawigan.

Ayon sa pahayag ng grupo, nakakabahala ang maaaring maging epekto ng pagmimina sa lalawigan sakaling tuluyan itong pahintulutan ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato.

“Large-scale open-pit mining can bring unimaginable repercussions not only to the mine workers and Tampakan community but also to the neighboring towns and provinces. It will provide jobs but with considerable health hazards,” pahayag ng SCMS.

Sinabi ng SCMS na ang kemikal na magmumula sa mga minahan ay lubhang makakaapekto sa kalikasan lalo na sa mga ilog at karagatan, hangin, at maging sa mga kabundukan at kagubatan.

Iginiit ng samahan ng mga medical practitioner sa lalawigan na kaakibat ng pinsalang dulot ng pagmimina sa kalikasan ay ang panganib din sa kalusugan at kabuhayan ng mga pamayanang nakapaligid dito.

Ilan sa mga karamdamang maaaring makuha sa kemikal mula sa pagmimina ay ang sakit sa balat, cancer, mental at neurologic condition, at respiratory diseases tulad ng pneumonia, bronchial asthma, at chronic obstructive pulmonary disease.

“The bottom line of this is destruction of the ecosystem and consequent threat to health and quality of life of our people. These adverse effects can be felt long after the end of mining activity,” paliwanag ng grupo.

Umaapela naman ang SCMS kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, Jr. at sa mga opisyal ng lalawigan na baguhin ang desisyon hinggil sa pag-amyenda sa environmental code ng lalawigan.

Panawagan ng grupo na dapat manatili sa lalawigan ang pagbabawal sa open-pit mining at huwag nang hayaang makapasok ang mga makapangyarihang kompanya na pinsala lamang ang dulot sa kapaligiran.

“As champions chosen by our people, we implore your role in protecting the people and deciding for the best interests of South Cotabato,” ayon sa pahayag.

Kaugnay nito, kabilang ang Diyosesis ng Marbel sa naunang nagpahayag ng pagtutol at pangamba hinggil sa panganib ng pagmimina sa South Cotabato.

Kasalukuyang nagsasagawa ng iba’t ibang programa ang diyosesis tulad ng ‘prayer march’ bilang panawagan upang pigilan ang pagsasamantala sa inang kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 85,667 total reads

 85,667 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 119,627 total reads

 119,627 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 154,927 total reads

 154,927 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,197 total reads

 381,197 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 270,075 total reads

 270,075 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,378 total reads

 155,378 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top