Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Opisyal na tema at logo ng kapistahan ng Poong Jesus Nazareno, isinapubliko ng Archdiocese of Davao

SHARE THE TRUTH

 19,730 total views

Inilunsad ng Nuestro Padre Jesus Nazareno – Davao Chapter ang opisyal na tema at logo sa pagdiriwang ng unang dekada ng debosyon sa Poong Jesus Nazareno sa arkidiyosesis.
Nagagalak ang grupo sa paghahanda sa nalalapit na kapistahan ng Poong Jesus Nazareno sa January 9, 2025 kung saan ito ang magiging kauna-unahang pagkakataon na ipagdiriwang ito sa lahat ng diyosesis sa bansa makaraang aprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kahilingang gawing liturgical feast ang nasabing araw bilang pagkilala sa malawak na debosyon ng mga Pilipino sa Jesus Nazareno.
Piniling tema ng grupo sa pagdiriwang ng ikasampung taong Nazareno Fiesta sa lugar ang “Pabilin Kamo kanako, ug Ako magpabilin kaninyo” (John 15:4).
“The logo reflects on our joy and gratitude towards the Poong Jesus Nazareno since its arrival to our community for all the blessings we received through His Merciful Love. It also reflects the missionary character of the community in reaching out to the peripheries and to remain true and faithful to Him and to His promises,” pahayag ng grupo.
Itinampok sa logo ng pagdiriwang ang pulang tela na sumasagisag sa dugo, pawis at luha ng bawat debotong dumudulog sa Poong Jesus Nazareno; ang apat na tao namang nakatuon sa iba’t ibang direksyon habang nasa gitna ang imahe ng Jesus Nazareno ang simbolo ng walang hanggang awa ng Diyos na ipinaabot sa lahat ng dako kung saan naroroon ang mga deboto.
Ang koronang tinik sa hugis ng kalasag ang kumakatawan sa pakikilakbay ng Diyos sa tao sa kabila ng mga paghihirap habang ang bukang liwayway ang tanda ng pag-asa lalo’t sa 2025 ipagdiriwang ng simbahan ang Jubilee of Hope na paalala rin sa mga debotong tatagan ang pananampalataya sa Diyos sapagkat ito ang pinagmumulan ng pag-asa ng bawat isa.
Taong 2015 nang dumating ang Official Replica ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa Davao City at kasalukuyang nakadambana sa Our Lady of Peñafrancia GKK Chapel, DECA Tigatto, Buhangin.
Nilikha ni Pangulo sa Batan-on Thony Torres ang logo ng Nazareno 2025 ng Archdiocese of Davao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 34,999 total views

 34,999 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 100,127 total views

 100,127 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 60,747 total views

 60,747 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 122,602 total views

 122,602 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 142,560 total views

 142,560 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top