Pagpapalago sa pilgrimage experiences, misyon ng ACSP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,439 total views

Binigyang diin ng opisyal ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines (ACSP) ang kahalagahan pagbubuklod ng mga dambana tungo sa pagpapanibago ng pastoral ministry ng popular devotions at pilgrimage sa bansa.

Ito ang mensahe ni Fr. Reynante Tolentino, pangulo ng ACSP, kaugnay sa nalalapit na 29th ACSP National Assembly na itinakda sa February 4 – 6, 2026 na isasagawa sa Diocese of Malolos sa Bulacan.

“Mahalaga ang mga national at local assemblies ng mga dambana upang sama-samang mapanibago ang pastoral ministry ng popular devotions at ng pilgrimage sa bansa,” ayon kay Fr. Tolentino.

Ayon sa pari tuwing mga taon na walang national assembly ay nagsasagawa ng local assembly o pagtitipon ng mga regional diocesan shrine assemblies para matiyak ang tuloy-tuloy na katesimo hinggil sa kahagahan ng mga dambana sa pagpapalago ng pananampalataya at ebanghelisasyon.

Ipinaliwanag ni Fr. Tolentino na sa pamamagitan ng mga pagtitipon ng ACSP ay higit na napauunlad ang karanasan ng mga peregrino, hindi lamang bilang pagbisita sa banal na lugar kundi bilang mas malalim na karanasang espirituwal.

“Layunin ng ACSP na paunlarin ang pilgrimage experience ng mga peregrino sa pamamagitan ng maayos na paggabay, katekesis, at mas malalim na mga sandali ng panalangin,” dagdag ni Fr. Tolentino.

Bahagi ng mga inisyatibong ito ang programang “Bukluran ng mga Dambana,” na nagsisilbing plataporma ng pag-aaral at ugnayan ng iba’t ibang ministries ng mga dambana at basilica mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa.

Iniuugnay rin ng ACSP ang mga gawain nito sa panawagan ni noo’y Papa Francisco hinggil sa papel ng mga dambana sa buhay ng Simbahan.

Ayon sa pari, binibigyang-halaga ng Santo Papa ang pagkakaroon ng mga pambansa at pandaigdigang pagtitipon upang maisulong ang sama-samang pakikibahagi sa pagpapanibago ng pastoral ministry ng debosyon at pilgrimage.

Kasabay nito, binigyang-diin din ng ACSP ang pangangailangan ng patuloy na paghuhubog sa mga nagsisilbi sa mga dambana at tumatanggap sa mga perigrino.

“Mahalaga na magkaroon ng ganitong mga uri ng pagtitipon na kung saan pinagsasama ang pag-aaral at mga praktikal na pagsasagawa ng maayos na paggabay sa mga pilgrims mula sa iba’t ibang lugar,” ani ng pari.

Ang ika-29 na pambansang pagtitipon ng mga dambana ay patunay ng mahigit tatlong dekadang paglilingkod ng ACSP sa Simbahan sa Pilipinas.

Itinatag ang ACSP noong 1991 bilang pastoral desk para sa mga dambana at pilgrimage ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI).

Umaasa ang ACSP na sa pamamagitan ng mga pagtitipong ito ay higit pang mapalalim ang pananampalataya ng mga peregrino at mapalakas ang papel ng mga dambana bilang lugar ng panalangin, pag-asa, at paglalakbay ng pananampalataya.

Sa mga nais makilahok sa pagtitipon makipag-ugnayan kay Bro. Kendrick Ivan Panganiban, ACSP Lay-Secretary sa numerong 09175506084 o sa email na [email protected] habang para naman sa acommodation arrangements kay Anna Lisa Ayo, ACSP Committee Chairperson for Pilgrimages sa numerong 09175514468.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 29,115 total views

 29,115 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 103,729 total views

 103,729 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 183,808 total views

 183,808 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 226,947 total views

 226,947 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 226,281 total views

 226,281 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top