Opisyal na tema at logo ng kapistahan ng Poong Jesus Nazareno, isinapubliko ng Archdiocese of Davao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,422 total reads

Inilunsad ng Nuestro Padre Jesus Nazareno – Davao Chapter ang opisyal na tema at logo sa pagdiriwang ng unang dekada ng debosyon sa Poong Jesus Nazareno sa arkidiyosesis.
Nagagalak ang grupo sa paghahanda sa nalalapit na kapistahan ng Poong Jesus Nazareno sa January 9, 2025 kung saan ito ang magiging kauna-unahang pagkakataon na ipagdiriwang ito sa lahat ng diyosesis sa bansa makaraang aprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kahilingang gawing liturgical feast ang nasabing araw bilang pagkilala sa malawak na debosyon ng mga Pilipino sa Jesus Nazareno.
Piniling tema ng grupo sa pagdiriwang ng ikasampung taong Nazareno Fiesta sa lugar ang “Pabilin Kamo kanako, ug Ako magpabilin kaninyo” (John 15:4).
“The logo reflects on our joy and gratitude towards the Poong Jesus Nazareno since its arrival to our community for all the blessings we received through His Merciful Love. It also reflects the missionary character of the community in reaching out to the peripheries and to remain true and faithful to Him and to His promises,” pahayag ng grupo.
Itinampok sa logo ng pagdiriwang ang pulang tela na sumasagisag sa dugo, pawis at luha ng bawat debotong dumudulog sa Poong Jesus Nazareno; ang apat na tao namang nakatuon sa iba’t ibang direksyon habang nasa gitna ang imahe ng Jesus Nazareno ang simbolo ng walang hanggang awa ng Diyos na ipinaabot sa lahat ng dako kung saan naroroon ang mga deboto.
Ang koronang tinik sa hugis ng kalasag ang kumakatawan sa pakikilakbay ng Diyos sa tao sa kabila ng mga paghihirap habang ang bukang liwayway ang tanda ng pag-asa lalo’t sa 2025 ipagdiriwang ng simbahan ang Jubilee of Hope na paalala rin sa mga debotong tatagan ang pananampalataya sa Diyos sapagkat ito ang pinagmumulan ng pag-asa ng bawat isa.
Taong 2015 nang dumating ang Official Replica ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa Davao City at kasalukuyang nakadambana sa Our Lady of Peñafrancia GKK Chapel, DECA Tigatto, Buhangin.
Nilikha ni Pangulo sa Batan-on Thony Torres ang logo ng Nazareno 2025 ng Archdiocese of Davao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,787 total reads

 63,787 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,661 total reads

 142,661 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 176,106 total reads

 176,106 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 211,405 total reads

 211,405 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 435,339 total reads

 435,339 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top