Opisyal ng Caritas Philippines, nagpaabot ng pagbati kay PBBM

SHARE THE TRUTH

 612 total views

Nagpaabot ng pagbati ang opisyal ng social action ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Dalangin ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng CBCP NASSA, ang malusog na pangangatawan ng punong ehekutibo upang magampanan ang tungkuling pamahalaan ang mahigit isandaang milyong populasyon ng Pilipinas.

“I would like to greet our beloved President a happy birthday, sana isang pagkakataon ito na magpasalamat ang kanyang pamilya sa mga biyayang mula sa Diyos lalo na ang biyaya ng buhay. Pinagdadasal natin ang kanyang good health at ang guidance ng Holy Spirit,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam ng Radio Veritas.

September 13, ipinagdiriwang ni Pangulong Marcos Jr. ang ika – 65 kaarawan.

Umaasa si Bishop Bagaforo na ang kaarawan ng pangulo ay magsilbing hamon sa kanyang pamumuno sa bansa na higit itaguyod ang kabutihan ng bawat Pilipino.

“Sana ang kanyang celebration ngayon ng birthday ay magsilbi pang hamon na maging tapat, makatao, at makatarungan ang kanyang administration,” dagdag ni Bishop Bagaforo.

September 13, 1957 nang ipinanganak si PBBM ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at Imelda Marcos.

Samantala muling tiniyak ni Bishop Bagaforo ang kahandaan ng simbahan na makipagtulungan sa pamahalaan para sa pagsusulong ng pag unlad ng buong pamayanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 359 total views

 359 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 25,720 total views

 25,720 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 36,348 total views

 36,348 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 57,369 total views

 57,369 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 76,074 total views

 76,074 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top