Opisyal ng CBCP, pinawi ang pangamba ng mamamayan sa paglabas ng iba’t-ibang karamdaman

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 621 total reads

Tiniyak ni Fr. Dan Cancino, MI na hindi kailangang mangamba ang publiko hinggil sa patuloy na paglabas ng iba’t-ibang karamdaman sa lipunan.

Ayon kay Fr. Cancino, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Health Care na mahalaga ang pagiging kalmado lalo’t higit ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman upang mapangalagaan ang sarili at maiwasang magkaroon ng anumang sakit.

Kaugnay ito sa huling ulat ng Department of Health na umabot na sa apat ang naitatalang kaso ng monkeypox virus sa bansa sa kabila ng patuloy na pag-iral ng coronavirus pandemic.

“Tanggapin natin na ang monkey pox ay totoo. Ito ay nangyayari sa buong mundo at nangyayari din dito sa ating bansa. May mga kaso pero hindi kailangang maging aligaga o maalarma nang napakataas dahil ang mga kaso ng monkeypox dito sa ating bansa ngayon ay kontrolado ng ating Department of Health,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Hinimok ng opisyal ng CBCP na kailangang paigtingin ng pamahalaan ang pagsusulong sa information dissemination upang matulungan ang publiko na magkaroon ng karagdagang kaalaman hinggil sa mga epekto at sintomas ng monkeypox.

Karaniwang sintomas nito ang lagnat, panghihina ng katawan, pagkahilo, namamagang kulani, at mga rashes sa mukha, dibdib, paa, kamay, at maging sa maselang bahagi ng katawan.

Paalala naman ni Fr. Cancino na mahalagang panatilihin ang minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng facemask at pagsunod sa social distancing dahil ang monkeypox ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing, at skin-to-skin contact.

“Kung mayroon tayong mga sintomas o senyales ng monkeypox, komunsulta kaagad sa doktor o kaya nama’y mas maganda sa public health facility para mas mapagtuunan at mabigyan ng tugon,” ayon kay Fr. Cancino.

Naiulat ang kauna-unahang kaso ng monkeypox virus sa Pilipinas noong Hulyo 28 at nito namang Agosto 25 ang ikaapat at kasalukuyang huling kaso ng virus mula sa isang 25-taong gulang na pasyenteng walang anumang travel history sa mga bansang mayroong monkeypox outbreak.

Ang Monkeypox ay isang rare infection na unang nakita sa mga bahagi ng West at Central Africa na itinuturing nang “global health emergency” ng World Health Organization.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 12,290 total reads

 12,290 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,512 total reads

 13,512 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 27,951 total reads

 27,951 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 65,329 total reads

 65,329 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 96,599 total reads

 96,599 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 172,047 total reads

 172,047 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 264,918 total reads

 264,918 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,071 total reads

 74,071 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top