Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paalala ng Obispo sa mga nagnanais na maging opisyal ng bansa: “We are merely their servants”

SHARE THE TRUTH

 20,917 total views

Pinaalalahanan ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga naghahangad na kumandidato sa nalalapit na halalan na magsilbing tunay na tagapaglingkod o ‘servant’ gaya ng mga lingkod ng simbahan na tagapaglingkod ng Diyos at ng kanyang kawan.

Ito ang bahagi ng mensahe ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – CBCP Bishop-Promoter ng Stella Maris-Philippines para sa mga kumandidato para sa nakatakdang 2025 Midterm Elections kaugnay sa pagsisimula ng filing ng Certificate of Candidacy.

Ayon sa Obispo, ang mga lingkod bayan at lingkod ng Simbahan ay kapwa pinili ng Panginoon at ng taumbayan upang maglingkod, kaya naman naangkop lamang na ganap na isa-isip ng mga nagnanais na kumandidato sa anumang posisyon sa pamahalaan ang paglilingkod ng tapat sa lipunan.

“We are merely their servants. We were chosen and ordained as priests, and you were chosen and elected by the people. We were ordained and you were elected solely for the purpose of serving. Therefore, who and where we are today is solely because of our service to the people. That is what is expected of us by the Church and the Nation—to serve them.” Bahagi ng paalala ni Bishop Santos.

Paliwanag ng Obispo, dapat na gawing huwaran ng mga nagnanais na maging pinuno ng bayan ang pagiging isang tunay na tagapaglingkod ni Hesus na isinantabi ang kanyang pansariling kapakanan upang bigyang prayoridad at tutukan ang mga pangangailangan ng taumbayan ng walang hinihintay na kapalit.

“Therefore, like Jesus, being a servant means not thinking about what is for us or seeking what others can do or give to us. Instead, it is about what we can give and do for them. They come first before ourselves. Our help and compassion are needed now, not postponed, and without expecting anything in return.” Dagdag pa ni Bishop Santos.

Batay sa tala ng COMELEC nasa 18,280 na posisyon ang pagbobotohan sa darating na 2025 Midterm Elections, kabilang ang 12-senador, mga partylist representatives, congressional district representatives, governor, mayor, sangguniang bayan member at iba pa.

Mayroon lamang walong araw ang mga nagnanais na kumandidato sa paghahain ng kanilang Certificate of Candidacy simula ngayong araw October 1 hanggang October 8.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 21,929 total views

 21,929 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 33,412 total views

 33,412 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 49,101 total views

 49,101 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 49,765 total views

 49,765 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 58,498 total views

 58,498 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Cardinal Tagle, pangungunahan ang PCNE XI

 7,932 total views

 7,932 total views Inaanyayahan ng Office for the Promotion of New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya sa ika-11 yugto ng Philippine Conference on

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top