Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paalala sa mga lingkod-bayan

SHARE THE TRUTH

 474 total views

Mga Kapanalig, umani ng batikos ang video na inilabas ni Assistant Secretary Mocha Uson ng Presidential Communications Operations Office (o PCOO) kung saan ipinaliwanag sa sekswal na paraan ang pederalismo at sinabayan pa ito ng pagtukoy sa maseselang bahagi ng katawan ng babae. Marami ang nadismaya at nagalit sa ginawa ni ASec Uson dahil kahit lumabas ang video sa kanyang personal Facebook account, nangyari ito nang live sa oras ng kanyang trabaho, at ang ginawa niya at ng kanyang kasama ay hindi angkop sa isang lingkod-bayan. Plano pa namang ibigay sa opisina ni ASec Uson ang 10 milyon sa 90 milyong pisong budget para sa information campaign para sa pederalismo.

Disgusting” o nakasusuklam; “downright vulgar” o labis na mahalay; “a step backward” o isang hakbang paurong–ilan lamang ito sa pagsasalarawan ng mga nakapanood ng video. Nanawagan ang ilang senador at ang isang miyembro ng Consultative Committee, na bumuo ng draft Federal Constitution, huwag nang isali si ASec Uson sa gagawing information campaign tungkol sa pederalismo. Maliban kasi sa maaaring mahaluan niya ng kabastusan ang paliwanag tungkol sa pederalismo, kilala rin siya sa paggamit ng maling impormasyon gaya nang sabihin niyang Pilipinas na lamang daw ang hindi pederal na bansa sa Asya na hindi naman totoo.

Binatikos din ng grupong Every Woman ang ginawang video. Hindi raw lubos na nauunawaan ni ASec Uson at ng kanyang kasama na hindi kailanman dapat gamitin ang katawan ng babae—o ng tao—sa pagdidiin ng isang punto habang nakikipag-diskusyon, sa paghikayat sa mga taong bumili ng isang produkto, o sa pagkuha ng boto, dahil sa lahat ng ito, kasangkapan ang turing sa kapwa-tao. Nagkalat rin sa social media ang mga panawagang patalsikin na si ASec Uson dahil sa pag-aaksaya sa pondo ng pamahalaan upang bumuo ng isang hindi nakatutulong na video.

Mga Kapanalig, isa lamang ang kontrobersyang ito sa mga nagtutulak sa ating tanungin: anong klase ng pamumuno o leadership ang umiiral sa ating pamahalaan ngayon?

Malinaw ang panlipunang turo ng ating Simbahan, “Those with political responsibilities must not forget or underestimate the moral dimension of political representation.” Dapat tandaan at pahalagahan ng mga taong may pultikal na tungkulin ang moral na dimensyon ng kanilang panunungkulan, at nakaugat ito sa pakikiisa sa mga tao at sa pagtugon sa mga problema ng lipunan. Magagawa nila ito kung gagamitin nila ang kanilang kapangyarihan sa paglilingkod at pagsusulong ng kabutihan ng lahat o common good. Sa tingin mo, Kapanalig, paano naipakita sa kontrobersyal na video tungkol sa pederalismo ang pakikiisa ng isang lider ng pamahalaan sa mga tao at ang pagtugon niya sa problema ng bayan? Paano kaya roon naitataguyod ng isang lingkod-bayan ang common good?

Hindi rin dapat palampasin ang pagturing sa katawan ng babae bilang kasangkapan. Tahasan itong pagyurak sa kanilang dignidad. Hindi rin natin dapat hayaang magpatuloy ang pagpapalaganap ng mga lingkod-bayan ng maling impormasyon, hindi lamang tungkol sa pederalismo kundi sa lahat ng bagay. Hindi tunay ang kanilang paglilingkod kung mali at walang batayan ang kanilang mga ipinaaalam sa atin.

Mga Kapanalig, malaki ang inaasahan sa mga taong may panunungkulan dahil nariyan sila upang paglingkuran ang bayan. Hindi tayo naghahanap ng perpektong mga lingkod-bayan ngunit marapat lamang na asahan nating silang isapuso ang moral na dimensyon ng tungkulin nakaatang sa kanila. Hindi kalabisang usisain natin kung paano nila ginagamit ang pera ng bayan at ang kanilang oras sa pagtatrabaho. Sa mga pagkakataong nalilimutan nila ang kanilang tungkulin sa taumbayan at sa tuwing ang mga kilos nila ay salungat sa tungkulin nila, matapang nating ipaalala sa kanilang inaasahan natin ang kanilang pakikiisa sa paglutas sa mga suliranin ng bayan at ang kanilang pangunguna sa pagkamit ng kaunlaran ng lahat.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 375,138 total views

 375,138 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 392,106 total views

 392,106 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 407,934 total views

 407,934 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 497,481 total views

 497,481 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 515,647 total views

 515,647 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Move people, not cars

 375,139 total views

 375,139 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 392,107 total views

 392,107 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 407,935 total views

 407,935 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 497,482 total views

 497,482 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 515,648 total views

 515,648 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 198,587 total views

 198,587 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 258,679 total views

 258,679 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 268,574 total views

 268,574 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Pasko ng mga OFW

 175,540 total views

 175,540 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 175,248 total views

 175,248 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »
Scroll to Top