Pope Leo XIV, nanawagan sa international community na tahakin ang landas ng kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 58,632 total reads

Nagpaabot ng panalangin at mariing nanawagan para sa kapayapaan si Pope Leo XIV sa patuloy na pag-atake sa Ukraine at umiigting na tensyon sa Middle East, lalo na sa Iran at Syria.

Sa kanyang Angelus sa Vatican sinabi ng Santo Papa na lubhang apektado ang mga sibilyan sa Ukraine dahil sa mga panibagong pag-atake sa mga mahahalagang imprastraktura, lalo na sa sektor ng enerhiya, kasabay ng paglala ng malamig na panahon.

“In Ukraine, new attacks, particularly severe ones aimed at energy infrastructure as the cold weather grows harsher, are taking a heavy toll on the civilian population,” bahagi ng pahayag ni Pope Leo XIV.

Dalangin ng santo papa na mawakasan ang mga karahasan at muling iiral ang pagbubuklod tungo sa isang mapayapang lipunan.
“I pray for those who suffer and renew my appeal for an end to the violence and for renewed efforts to achieve peace,” ani ng Santo Papa.

Binanggit din ni Pope Leo ang kasalukuyang sitwasyon sa Gitnang Silangan, kung saan patuloy na umiiral ang mga karahasang kumikitil ng buhay ng mamamayan.

“My thoughts turn to the situation currently unfolding in the Middle East, especially in Iran and Syria, where ongoing tensions continue to claim many lives,” aniya.

Muling hinimok ng Santo Papa ang mga pinuno at mamamayan gayundin ang international community na magtulungang tahakin ang landas kapayapaan para sa kabutihan ng nakararami.

“I hope and pray that dialogue and peace may be patiently nurtured in pursuit of the common good of the whole of society,” dagdag ni Pope Leo.

Sa parehong mensahe, nagpaabot din ng basbas ang Santo Papa sa mga batang nabinyagan at mga tatanggap pa lamang ng sakramento ng binyag sa iba’t ibang panig ng mundo kasabay ng Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon.

Inalala ng punong pastol sa mga panalangin ang mga sanggol na isinilang sa mahihirap na kalagayan, dulot man ng karamdaman o panganib sa kapaligiran, at ipinagkatiwala sila sa mapagkalingang pag-aaruga ng Mahal na Birheng Maria.

Patuloy namang nananawagan ang Vatican ng panalangin at pagkilos para sa agarang kapayapaan sa mga lugar na patuloy na nilulugmok ng digmaan at karahasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 43,834 total reads

 43,834 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 129,198 total reads

 129,198 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 175,935 total reads

 175,935 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 223,807 total reads

 223,807 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 325,745 total reads

 325,745 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top