Paalam, Archbishop Cruz!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 751 total reads

Pinangunahan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang funeral mass at pagbibigay ng parangal sa yumaong si Archbishop-emeritus Oscar Cruz na 18-taong nanungkulan sa arkidiyosesis.

Dulot na rin ng umiiral na health protocol pawang mga obispo, mga pari at mga kaanak lamang ng arsobispo ang dumalo sa pagtitipon na ginanap sa Cathedral of St. John the Evangelist sa Dagupan, City.

Sa homiliya, tinagurian ni Archbishop Villegas si Archbishop Cruz bilang ‘santo’ ng simbahan dahil na rin sa kaniyang katapatan sa paglilingkod sa Panginoon.

“But I know he is a saint. And the skies of Dagupan cried on the day he passed away. He is a saint, but not our usual one,” bahagi ng homiliya ni Archbishop Villegas.

Ayon pa kay Archbishop Villegas, “He was a saint who rallied with us and join us in picket lines against illegal gambling and prostitution. Championing social justice and the rights of women. Does not the gospel teach us that what we do to the poor, to the defenseless, to the orphans, to the widows is done to Christ and such acts will not go unrewarded in heaven.”

Matapos ang pagdiriwang ay inihatid na rin sa kanyang huling hantunangan ang pumanaw na arsobispo sa Santuario de San Juan Evangelista.

Ang namayapang arsobispo ay kilalang tagapagtanggol ng pananampalataya, paggalang sa buhay at pamilya at ang masidhing pagtutol sa ilegal na sugal tulad ng Jueteng. Si Archbishop Cruz ay isinilang sa noong Nobyembre 17, 1934 sa Balanga, Bataan.

Inordihan bilang pari sa Archdiocese of Manila taong 1962 at nanungkulan bilang katuwang na obispo ng Maynila taong 1976. Nagsilbi ring arsobispo ng Archdiocese ng San Fernando, Pampanga at nagging dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Ang 85 taong gulang na arsobispo ay pumanaw dahil na rin sa multiple organ failure na dulot ng Covid-19. Si Archbishop Cruz ang ikatlong opisyal ng simbahan sa Pilipinas na nahawaan ng Covid-19 at kauna-unahang obispo na namatay dulot ng virus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 75,033 total reads

 75,033 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 115,592 total reads

 115,592 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 139,042 total reads

 139,042 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 187,310 total reads

 187,310 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 206,480 total reads

 206,480 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

VP Sara at asawa, may 51-baril

 27,396 total reads

 27,396 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »
Scroll to Top