Pabahay sa mga nasalanta ng bagyong Odette, sisimulan na ng Diocese of Surigao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 843 total reads

Pasisimulan na ng Diocese of Surigao ang rehabilitation program at housing project para sa “poorest of the poor families” na nawalan ng tahanan dulot ng pananalasa ng bagyong Odette noong nakaraang taon.

Ayon kay Bishop Antonieto Cabajog, balak ng Diyosesis na magpatayo ng 150 hanggang 170 matitibay na bahay na hindi basta-basta mawawasak ng anumang kalamidad.

Ibinahagi ni Bishop Cabajog sa Radio Veritas na mayroon nang naipatayong isang model house na pagbabatayan para sa halaga ng magagastos at disensyo ng iba pang itatayong bahay.

“Maliit lang ‘yung model house pero kumportable. Weather-proof ang pagkakagawa. Kumpleto na rin, may one bedroom, living room, dining room, kitchen at comfort room,” pahayag ni Bishop Cabajog sa panayam ng Radio Veritas.

Nagpapasalamat naman si Bishop Cabajog sa mga nagpaabot ng tulong at suporta upang muling makabangon ang Surigao City at iba pang karatig na bayan mula sa tinamong pinsala sa nagdaang bagyo.

Sinabi ng Obispo na ang mga nakalap na pondo mula sa mga tulong ay gagamitin bilang suporta sa housing project ng Diyosesis.

“Sa awa ng Diyos, marami namang tumulong sa atin kaya ‘yun talaga ang gagamitin natin para sa pagtulong sa mga poorest of the poor,” saad ng Obispo.

Nagagalak rin si Bishop Cabajog sapagkat sa kabila ng sinapit mula sa nagdaang bagyo ay hindi nawalan ng pag-asa at pananampalataya ang mamamayan.

Dalangin naman ng Obispo ang patuloy na kaligtasan ng lahat laban sa anumang kalamidad at malagpasan ang mga hinaharap na pagsubok sa buhay.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, umabot sa mahigit 7,000 pamilya ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Odette sa Surigao City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 11,958 total reads

 11,958 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 93,812 total reads

 93,812 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 127,261 total reads

 127,261 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 162,560 total reads

 162,560 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 388,723 total reads

 388,723 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,697 total reads

 155,697 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top