Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 756 total views

Mga Kapanalig, ayon sa Maynilad, ang isa sa dalawang pribadong water concessionaires sa Metro Manila at karatig-lalawigan, mahigit 1.1 bilyong litro ng tubig ang nasasayang sa mga linya nito dahil sa mga pagtagas at mga iligal na koneksyon. Ang naaaksayang tubig ay mahigit 40% ng 2.7 bilyong litro ng tubig na alokasyon ng Maynilad mula sa Angat Dam.1  

Kaunti na nga raw ito, dagdag ng Maynilad. Mas maraming tubig ang naaaksaya raw noong bago napunta sa DMCI-MPIC Water Company ang pamamahala sa water concessionaire noong 2007. Nabili ng kumpanya ang 84% ng shares ng Maynilad mula sa mga Lopez na pinangasiwaan ito umpisa ng mapasapribado ang pamamahala ng tubig sa Metro Manila at ilang bayan sa Cavite noong 1997.2 Halos 75% ng pipelines na minana mula sa mga dating may-ari ay pinalitan na ng kasalukuyang nangangasiwa ng Maynilad upang mabawasan ang naaaksayang tubig. Isa raw sa mga pangunahing suliranin ng Maynilad para maisaayos ang mga tumatagas na pipelines ay ang mabagal na pagproseso ng mga lokal na pamahalaan sa kanilang mga permits. Sa katunayan, mayroon daw silang mga pending permits para sa 21 na lugar sa Metro Manila. 

Mayroon pang mga suliraning kinakaharap ang Maynilad tungkol naman sa mga pinanggagalingan ng tubig nito. Nasa 10% ng tubig ng Maynilad ang mula sa Laguna Lake, samantalang 90% ay mula sa Angat Dam. Kasalukuyang bumababa ang kalidad ng tubig sa Laguna Lake dala ng mga industrial pollutants at labis na kemikal at pakain o feeds sa mga palaisdaan.3 Ang Angat Dam naman, na kayang magbigay ng apat na bilyong litro ng tubig kada araw, ay hindi na sapat sa pangangailangan ng populasyon sa Metro Manila. Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS, nasa apat na bilyong litro ng tubig kada araw ang pangangailangan sa Metro Manila noong 2010 at 395 milyong litrong tubig ang kulang araw-araw. Noong 2020, lumobo na ang kakulangang ito sa 1.7 bilyong litro kada araw at inaasahang lalakí pa ito.4  

Ngayong matindi ang init ng panahon, lalong tataas ang pangangailangan sa tubig at lalalâ ang krisis sa tubig. At ito ang ginagamit na dahilan upang pabilisin ang  pagtatayo ng Kaliwa Dam. Ito ang sinasabi ng gobyernong tutugon sa suliranin sa tubig sa Metro Manila at mga karatig-probinsya–isang solusyong para sa iba ay isinasantabi ang karapatan at boses ng mga katutubo, at sisira sa likas-yaman sa malaking bahagi ng Sierra Madre.5  

Ipinaaalala sa mga panlipunang turo ng Simbahan na ang kalikasan, kasama na ang tubig, ay collective good o biyayang dapat pakinabangan ng lahat. Kaya naman, tungkulin ng bawat isa sa atin at ng mga institusyon, lalo na ng gobyerno, na protektahan at pangalagaan ito.6 Bilang mga katiwala ng Diyos sa Kanyang hardin, responsabilidad nating siguruhing hindi naabuso o naaksaya ang kalikasan at ang “sari-saring nilalang ng Diyos”, ayon nga sa Mga Awit 104:24. Nilikha ng Diyos ang tubig, hindi lamang upang pakinabangan ng tao kundi para magawa rin ng iba pang nilikha, katulad ng mga hayop at halaman, na magbigay puri sa Kanyang kadakilaan at kabutihan.  

Kaya naman kailangang gumawa ang pamahalaan at mga kumpanyang nangangasiwa sa ating tubig ng mga hakbang na magtitiyak na ang tubig natin ay nagagamit nang wasto at hindi nasasayang. Patuloy din tayo dapat sa pagtitipid ng tubig sa ating mga tahanan.  

Mga Kapanalig, hindi unlimited ang tubig na dumadaloy sa ating mga gripo.  Huwag nating hayaang humantong ang pag-aaksaya sa tubig sa pagsasantabi sa mga kapatid nating katutubo, sa pagkasira ng ibang nilikha, o sa pagkawala ng maiinom at magagamit na tubig ng mga susunod na henerasyon.  

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 26,757 total views

 26,757 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 34,857 total views

 34,857 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 52,824 total views

 52,824 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 81,881 total views

 81,881 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 102,458 total views

 102,458 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 26,758 total views

 26,758 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 34,858 total views

 34,858 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 52,825 total views

 52,825 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 81,882 total views

 81,882 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 102,459 total views

 102,459 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 86,646 total views

 86,646 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,427 total views

 97,427 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,483 total views

 108,483 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,345 total views

 72,345 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 60,774 total views

 60,774 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 60,996 total views

 60,996 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 53,698 total views

 53,698 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 89,243 total views

 89,243 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 98,119 total views

 98,119 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 109,197 total views

 109,197 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top