Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 615 total views

Mga Kapanalig, ayon sa Maynilad, ang isa sa dalawang pribadong water concessionaires sa Metro Manila at karatig-lalawigan, mahigit 1.1 bilyong litro ng tubig ang nasasayang sa mga linya nito dahil sa mga pagtagas at mga iligal na koneksyon. Ang naaaksayang tubig ay mahigit 40% ng 2.7 bilyong litro ng tubig na alokasyon ng Maynilad mula sa Angat Dam.1  

Kaunti na nga raw ito, dagdag ng Maynilad. Mas maraming tubig ang naaaksaya raw noong bago napunta sa DMCI-MPIC Water Company ang pamamahala sa water concessionaire noong 2007. Nabili ng kumpanya ang 84% ng shares ng Maynilad mula sa mga Lopez na pinangasiwaan ito umpisa ng mapasapribado ang pamamahala ng tubig sa Metro Manila at ilang bayan sa Cavite noong 1997.2 Halos 75% ng pipelines na minana mula sa mga dating may-ari ay pinalitan na ng kasalukuyang nangangasiwa ng Maynilad upang mabawasan ang naaaksayang tubig. Isa raw sa mga pangunahing suliranin ng Maynilad para maisaayos ang mga tumatagas na pipelines ay ang mabagal na pagproseso ng mga lokal na pamahalaan sa kanilang mga permits. Sa katunayan, mayroon daw silang mga pending permits para sa 21 na lugar sa Metro Manila. 

Mayroon pang mga suliraning kinakaharap ang Maynilad tungkol naman sa mga pinanggagalingan ng tubig nito. Nasa 10% ng tubig ng Maynilad ang mula sa Laguna Lake, samantalang 90% ay mula sa Angat Dam. Kasalukuyang bumababa ang kalidad ng tubig sa Laguna Lake dala ng mga industrial pollutants at labis na kemikal at pakain o feeds sa mga palaisdaan.3 Ang Angat Dam naman, na kayang magbigay ng apat na bilyong litro ng tubig kada araw, ay hindi na sapat sa pangangailangan ng populasyon sa Metro Manila. Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS, nasa apat na bilyong litro ng tubig kada araw ang pangangailangan sa Metro Manila noong 2010 at 395 milyong litrong tubig ang kulang araw-araw. Noong 2020, lumobo na ang kakulangang ito sa 1.7 bilyong litro kada araw at inaasahang lalakí pa ito.4  

Ngayong matindi ang init ng panahon, lalong tataas ang pangangailangan sa tubig at lalalâ ang krisis sa tubig. At ito ang ginagamit na dahilan upang pabilisin ang  pagtatayo ng Kaliwa Dam. Ito ang sinasabi ng gobyernong tutugon sa suliranin sa tubig sa Metro Manila at mga karatig-probinsya–isang solusyong para sa iba ay isinasantabi ang karapatan at boses ng mga katutubo, at sisira sa likas-yaman sa malaking bahagi ng Sierra Madre.5  

Ipinaaalala sa mga panlipunang turo ng Simbahan na ang kalikasan, kasama na ang tubig, ay collective good o biyayang dapat pakinabangan ng lahat. Kaya naman, tungkulin ng bawat isa sa atin at ng mga institusyon, lalo na ng gobyerno, na protektahan at pangalagaan ito.6 Bilang mga katiwala ng Diyos sa Kanyang hardin, responsabilidad nating siguruhing hindi naabuso o naaksaya ang kalikasan at ang “sari-saring nilalang ng Diyos”, ayon nga sa Mga Awit 104:24. Nilikha ng Diyos ang tubig, hindi lamang upang pakinabangan ng tao kundi para magawa rin ng iba pang nilikha, katulad ng mga hayop at halaman, na magbigay puri sa Kanyang kadakilaan at kabutihan.  

Kaya naman kailangang gumawa ang pamahalaan at mga kumpanyang nangangasiwa sa ating tubig ng mga hakbang na magtitiyak na ang tubig natin ay nagagamit nang wasto at hindi nasasayang. Patuloy din tayo dapat sa pagtitipid ng tubig sa ating mga tahanan.  

Mga Kapanalig, hindi unlimited ang tubig na dumadaloy sa ating mga gripo.  Huwag nating hayaang humantong ang pag-aaksaya sa tubig sa pagsasantabi sa mga kapatid nating katutubo, sa pagkasira ng ibang nilikha, o sa pagkawala ng maiinom at magagamit na tubig ng mga susunod na henerasyon.  

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 11,888 total views

 11,888 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 62,451 total views

 62,451 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 10,887 total views

 10,887 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 67,632 total views

 67,632 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 47,827 total views

 47,827 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 11,889 total views

 11,889 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 62,452 total views

 62,452 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 67,633 total views

 67,633 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 47,828 total views

 47,828 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 43,872 total views

 43,872 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 52,553 total views

 52,553 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 67,315 total views

 67,315 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 74,430 total views

 74,430 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 48,560 total views

 48,560 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 48,332 total views

 48,332 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 48,033 total views

 48,033 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 40,367 total views

 40,367 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 79,947 total views

 79,947 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 87,501 total views

 87,501 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 83,384 total views

 83,384 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top