Pag-alis ng private army sa isla ng Maria Hangin, panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,074 total views

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa kapakanan ng mga katutubong pamayanan ng Molbog at Cagayanen sa Balabac, Palawan.

Sa liham-pastoral, hinimok ng mga obispo ang mga may kinalaman sa presensya ng mga armadong grupo sa Isla ng Maria Hangin na agad lisanin ang lugar, dahil nagdudulot ito ng takot, panggigipit, at pagkaantala ng kabuhayan ng mga residente.

“To whoever is responsible for the presence of armed groups in Maria Hangin: We humbly but strongly request the immediate withdrawal of these groups from the island. Their presence instills fear and disrupts the livelihoods of the residents, preventing them from living normal, peaceful lives,” pahayag ng mga obispo.

Binubuo ang isla ng Maria Hangin ng mga Molbog–na karamiha’y Muslim, at mga Cagayanen, na karamihan nama’y Kristiyano–na matagal nang namumuhay nang mapayapa mula nang magwakas ang Batas Militar.

Naantala lamang ang kapayapaan sa isla noong June 27, 2024, matapos lumabas ang balitang gigibain ang kanilang mga tahanan para bigyang-daan ang isang eco-luxury tourism project.

Agad kumilos ang mga katutubo upang ipaglaban ang kanilang lupaing ninuno sa pamamagitan ng legal na proseso, na suportado ng Simbahang Katolika.

Umapela ang CBCP sa Department of Agrarian Reform (DAR) at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na agarang tugunan ang usapin ng lupa sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga Notice of Coverage at pag-apruba sa matagal nang nakabinbing Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) application.

“We believe that the timely issuance of the CADT, coupled with appropriate action by DAR on other lands, will bring legal clarity, provide security and peace for the residents, and uphold the dignity of both agrarian and ancestral domain beneficiaries,” ayon sa CBCP.

Binigyang-diin naman ng mga Obispo na ang lupa at likas na yaman ay nilikha para sa kapakanan ng lahat, at hindi lamang para sa iilan.

Hinikayat ng CBCP ang lahat ng Katoliko na magtulungan upang matiyak na ang mga pamayanang katutubo sa buong bansa ay malayang makapamuhay sa kanilang mga lupaing ninuno, na may dignidad at kapayapaan.

“By working together, guided by the principles of justice, charity, and solidarity, we can help correct historical injustices and ensure the well-being of these vulnerable communities,” saad ng CBCP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 24,699 total views

 24,699 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 75,383 total views

 75,383 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 81,512 total views

 81,512 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 110,828 total views

 110,828 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 128,181 total views

 128,181 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top