Pagbabahagi at pagbibigay buhay, likas na katangian ng bawat Ina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 606 total reads

Dapat pasamatan ang bawat Ina sa taglay nilang katangian na pagbabahagi at pagbibigay buhay.

Ayon kay Fr. Cunegundo Garganta, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Youth, nawa ay kilalanin ng bawat isa ang naging sakripisyo ng bawat ina sa pagluluwal ng supling at pagbabahagi ng pagmamahal.

Pahayag pa ng pari ito ang likas na katangian ng isang Ina, tulad ng Mahal na Birhen.

“We simply ask the lord to bless them and to continue to help them, to give witness to the capacity, especially the gift that they have in giving and sharing life. So, pasalamatan natin ang ating Ina sa kakayahan at katangiang ito. At ipagdasal natin sila magpatuloy silang magbigay ng ganitong patotoo katulad ni Maria para sa atin at sa ating pananampalataya,” ayon kay Fr. Garganta.

Sa isang pahayag naman ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, binigyan pagpapahalaga naman nito ang mga ina na nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa dahil sa sakripisyo na maitaguyod ang kanilang mga anak at mahal sa buhay.

Read:
Mga Ina, mapagmahal at nagbibigay buhay

Sa tala ng Philippine Statistics Authority, 1.3 milyon ang mga kababaihan mula sa kabuuang 2.4 milyon na Overseas Filipino Workers.

Bukod sa pagdiriwang ng Mother’s Day, ipagdiriwang din ng simbahang katolika ang ika-100 taon ng Fatima Apparition, ang pagpapakita ng Mahal na Ina sa tatlong batang pastol kung saan sina Francisco at Jacinta ay nakatakda ding italaga bilang mga bagong Santo kasama ang ilan pang mga martir ng simbahan.

Kaugnay nito, inaanyayahan din ng Radio Veritas ang mga mananampalataya na dumalaw sa Veritas Chapel sa Edsa, West Avenue Quezon City kung saan pansamantalang nakaluklok ang pilgrim image ng Birhen ng Fatima hanggang sa ika-13 ng Mayo at ang relikya nina Blessed Francisco at Jacinta hanggang sa ika-23 ng Mayo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 84,015 total reads

 84,015 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 161,857 total reads

 161,857 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 195,305 total reads

 195,305 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 230,603 total reads

 230,603 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 453,821 total reads

 453,821 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top