Pagbagsak ng Air India, wake-up call sa Pilipinas na ilayo sa komunidad ang mga paliparan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,988 total views

Naniniwala si Military Ordinariate of the Philippines Chancellor and Spokesman Rev. Fr. Harley Flores na ang pagbagsak ng isang eroplano ng Air India ilang sandali lamang matapos itong mag-takeoff ay isang paalala sa kapahamakang dulot ng aksidente hindi lamang sa himpapawid kundi maging sa mga sibilyan at komunidad.

Ayon sa Pari, ang pagbagsak ng nasabing eroplano sa isang residential area ay isang paalala sa kapahamakang dulot ng mga sakunang panghimpapawid maging sa mga inosenteng sibilyan.
Paliwanag ni Fr. Flores, ang mga sakunang panghimpapawid ay hindi lamang nakapagdudulot ng kapahamakan sa mga pasahero ng eroplano kundi maging sa mga komunidad sa paligid ng paliparan.

“The recent incident of an Indian aircraft crashing into a congested residential area is a sobering reminder that aviation mishaps don’t just affect those in the air, they devastate lives on the ground. Ironically, passengers may survive, but it is the innocent civilians in their homes below who suffer the most.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Flores.

Pagbabahagi ng Pari, nawa ay magsilbing aral ang naganap na sakunang panghimpapawid sa India sa pangangasiwa ng Pilipinas sa kaligtasang panghimpapawid sa bansa.

Partikular na pinuna ni Fr. Flores ang sitwasyon sa paligid ng NAIA Terminals 1, 2, and 3 na pawang napapaligiran rin ng mga residential area, paaralan at iba’t ibang mga establisyemento.
Iginiit ng Pari na napapanahon na upang seryosohin ng pamahalaan ang kalagayan ng mga inosenteng sibilyan sa mga kalapit na komunidad ng mga paliparan sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa kanilang kaligtasan mula sa anumang sitwasyon o sakunang panghimpapawid.

Ayon kay Fr. Flores, dapat ng pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang paghahanap ng alternatibong lugar kung saan mas may katiyakan ang kaligtasan ng lahat.

“This should serve as a wake-up call for the Philippines. NAIA Terminals 1, 2, and 3 are surrounded by dense communities, schools, and businesses. One accident could lead to an unspeakable tragedy. It’s time we seriously consider decongesting and decentralizing our air traffic. Developing new international gateways or fast-tracking alternatives like Bulacan or Sangley is not just about convenience, it’s about safety and foresight. Let’s not wait for disaster to happen.” Dagdag pa ni Fr. Flores.

Matatandaang ika-12 ng Hunyo, 2025 ng bumagsak sa residential area sa labas ng paliparan ang Air India Flight AI-171 ilang minuto matapos itong mag-take off mula sa Sardar Vallabhbhai Patel international airport.

Sa kabuuang 241 na mga pasahero ng eroplano ang nasawi habang iisang lamang ang nakaligtas sa naganap na trahedya, kung saan umaabot na rin sa 29 ang nasawing mga sibilyan matapos itong bumagsak sa isang medical college hostel sa residential area sa labas ng paliparan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 224,032 total views

 224,032 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 254,255 total views

 254,255 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 280,899 total views

 280,899 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 375,872 total views

 375,872 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 382,409 total views

 382,409 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top