Pagbalik loob sa panginoon, panawagan ng pamunuan ng National shrine of the Sacred Heart of Jesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,067 total reads

Magbalik loob sa Panginoong Hesukristo upang higit na maging daluyang ng pagmamahal ng Panginoon sa Kapwa at sanlibutan

Ito ang paanyaya nina National Shrine of the Sacred Heart – Makati Rector and Team Ministry Moderator Father Roderick Castro at Team Ministry Member at Radio Veritas President Father Roy Bellen sa 50th Foundation Anniversarry and Jubilee Celebration ng Dambana.

Tiniyak nina Fr.Castro at Fr. Bellen na muling makabalik sa paglilingkod sa Panginoon at sa kabanal-banalang puso ni Hesus ang mga naliligaw ng landas.

“Sa lahat po ng mga deboto ng mahal na puso ni Jesus, nakatanggap tayo sa Kanya at patuloy na nakakatanggap ng biyaya. Biyaya mula sa puso ni Jesus. Kaya ito rin po ang paanyaya sa atin na ipalaganap ang debosyon sa mahal na puso ni Jesus at maging puso tayo ni Jesus para sa ibang tao,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Castro

Inihayag ni Fr.Bellen na maaaring gamitin ang debosyon sa Sacred Heart bilang makapangyarihang instrumento sa pagpapalaganap ng pananampalataya at pagtulong sa kapwa dahil ang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng dambana ay paanyaya sa mga deboto na hindi lamang tumanggap ng biyaya mula sa puso ni Hesus kundi maging daluyan din ng Kanyang pag-ibig sa iba.

Ipinaliwanag ng Pari na bilang isang national shrine ay nagsisilbi itong sentro ng ebanghelisasyon sa pamamagitan ng paggabay sa mga mananampalataya sa mga sakramento, lalo na sa kumpisal at Eukaristiya, upang mapalalim ang kanilang relasyon kay Kristo.

“Sa tuwing dumarating sa ating buhay ang pagod, pagkaligaw, o pagkawala ng pag-asa, tumingin lamang tayo sa puso ni Jesus. Ang pusong inialay para sa atin ay pusong hindi napapagod magmahal, magpatawad, at magbigay ng biyaya. Ito ang pusong patuloy na tumutulong at umaakay sa atin pabalik sa Diyos,” bahagi naman ng panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Bellen.

Ipinaliwanag din ng team ministry na ang tunay na debosyon sa Sacred Heart ay nakikita sa aktibong pagmamalasakit at paglilingkod sa kapwa.(jm)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 14,948 total reads

 14,948 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 53,050 total reads

 53,050 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 71,260 total reads

 71,260 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 155,589 total reads

 155,589 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 192,251 total reads

 192,251 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 19,576 total reads

 19,576 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top