Pagbubukas ng mga Simbahan sa Bohol, ikinatuwa ng mga mananampalataya.

SHARE THE TRUTH

 427 total views

Tiniyak ng Diyosesis ng Tagbilaran ang pagtugon sa pang-espiritwal na pangangailangan ng mga mananampalataya sa Bohol.

Positibo si Bishop Alberto Uy na susundin at makikiisa ang mamamayan sa mga alituntuning ipinatutupad kasabay ng pagpayag na muling buksan ang mga simbahan sa publiko sa limitadong bilang ng mga dadalo.

“Yet in spite of all these, please trust me that I am tediously looking for workable solutions to our current situation, always with the common good in mind,” pahayag ni Bishop Uy.

Noong ika – 14 ng Hunyo pormal nang binuksan ang mga simbahan sa Bohol na pinanabikan ng mahigit sa kalahating milyong Katolikong Boholano na halos tatlong buwang hindi nakapagsimba ng personal dahil sa ipinatupad na panuntunan sa community quarantine.

Sa anunsyo ng Pangulong Rodrigo Duterte nitong ika – 15 ng Hunyo, kabilang ang Bohol sa mga lalawigang pinalawig ang general community quarantine hanggang sa katapusan ng buwan.

Dahil dito kapwa inihayag ng diyosesis at ng Sangguniang Panlalawigan ng Bohol na papayagan nang makadalo sa religious activities ang mananampalataya na limitado lamang sa 25-porsiyento ng kabuuang kapasidad ng simbahan ang maaring makapasok.

Mahigpit na ipinatupad sa mga simbahan ang safety health protocols tulad ng pagsusuot ng facemasks, pagpatupad ng ‘One Entrance, One Exit Policy’ lamang sa bawat simbahan upang matiyak na ma-control ang dami ng mga dadalo sa misa, physical distancing sa loob ng Simbahan, paggamit ng mga alcohol, foothbath at pagkuha ng temperatura ng katawan.

Ipinasusulat din sa mga paorokya ang pangalan at tirahan ng mga dadalo sa misa upang mas mabilis isagawa ang posibilidad ng contact tracing kung sakaling magkaroon ng virus ang isa sa mga nagtutungo sa lugar.

“I am confident and optimistic that the instructions contained in this missive shall be fully-complied without any reservation,” dagdag pa ni Bishop Uy.

Bukod dito ipinag-utos rin ni Bishop Uy sa mga pari na iksian lamang hanggang 45 minuto ang pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya, limitado rin ang oras na ilalaan sa homiliya, gayundin ang bilang ng koro na maghahandog ng awitin sapagkat pinapayagan lamang na kakantahin ang pambungad na awit, awit sa pag-aalay at mga awitin sa Banal na Komunyon.

Sa isinagawang dry run ng diyosesis para sa new normal, hiniling ni Bishop Uy sa mananampalataya ang pang-unawa at pakikiisa laban sa COVID 19.

“As your Bishop, I am humbly asking for your understanding. We are in difficult times, the space to move is very tight; the options are very limited,” giit ng obispo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 24,651 total views

 24,651 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 35,656 total views

 35,656 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 43,461 total views

 43,461 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 60,043 total views

 60,043 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 75,795 total views

 75,795 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Paglago ng bokasyon, misyon ng NYD 2025

 2,023 total views

 2,023 total views Umaasa ang Family Ministry ng Archdiocese of Caceres na magbunga ng mas malalim na ugnayan sa pamilya, pananampalataya at bokasyon ang isinasagawang National

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top