Pagbubukas ng St.John the Baptist parish, apela ng mananampalataya kay Archbishop Jumoad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,681 total reads

Nanawagan kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad ang mga mananampalataya ng Saint John the Baptist Parish sa Jimenez, Misamis Occidental para muling buksan ang Simbahan na pansamantalang isinara matapos ang insidente ng sacrilege o kalapastanganan noong ika-5 ng Agosto, 2025.

Sa liham na may petsang August 11, 2025, ipinahayag ni Rev. Fr. Rolly O. Lagada – parish priest ng Saint John the Baptist Parish ang kanilang malalim na debosyon at paggalang sa Simbahan na kanilang “spiritual home” kung saan nabinyagan, nakatanggap ng mga Sakramento, at nagdiwang ng mahahalagang sandali ng pananampalataya ang mga parishioners ng parokya.

“We, the faithful of Saint John the Baptist Parish, Jimenez, Misamis Occidental, humbly come before you with deep reverence and filial devotion to present our heartfelt appeal and petition for the reopening of our parish church. For many generations, our parish church has been our spiritual home, the sacred place where we were baptized, received the Sacraments, and celebrated the milestones of our faith. It has been the center of our worship, our devotions, and our works of charity.” Bahagi ng liham apela ni Fr. Lagada.
Bilang tanda ng pagkakaisa at kahandaang mabuksan at buhaying muli ang buhay-parokya, ay ibinahagi ng Pari ang aktibong pakikibahagi ng mga mananamapalataya sa lugar sa pagsasagawa ng iba’t ibang gawaing espirituwal kabilang na ang Holy Hour at Kumpisal na kabilang sa Rite of Reparation na nagsimula noong ika-7 ng Agosto, 2025 at siyam na araw na Prayer Vigil na nagsimula sa parehong araw.

Layunin nito na hingin ang awa ng Diyos, ituwid ang kasalanang ginawa laban sa kabanalan ng Simbahan, at ipanalangin ang kagalingan at pagpapanibago matapos ang naganap na paglapastangan sa Simbahan.

“In response to the challenges our parish is facing, we have come together in prayer, penance, and unity. As a sign of our fidelity to the Church and our readiness to restore our parish life, the faithful have taken concrete spiritual steps… These efforts have not only deepened our faith but have also united our community in a spirit of repentance, hope, and longing to return to our parish church for the full celebration of the Holy Eucharist and the Sacraments.” Dagdag pa ni Fr. Lagada.

Inihayag rin ni Fr. Lagada ang pagtiyak ng mga mananampalataya sa kanilang buong pakikipagtulungan at pagsunod sa pamunuan ng Simbahan, kabilang na ang pangakong panatilihin ang kabanalan ng tahanan ng Diyos.

Sinabi ng Pari na umaasa ang mga mananampalataya na matapos ang isinasagawang novena at iba pang gawain para sa Rite of Reparation ay pahintulutan na ang muling pagbubukas ng kanilang Simbahan.

“With humility and trust, we earnestly petition Your Exellency to grants the reopening of the Church of Saint John the Baptist. We pledge our full cooperation, obedience, and dedication to ensuring that the sacredness of the church is upheld and that our parish remains a true dwelling place of God.” Ayon pa kay Fr. Lagada.
Muli namang ipinagkatiwala ng mga mananampalataya ng Simbahan ang kanilang panalangin sa pamamagitan ng Birhen sa Cotta, patrona ng mga Misamisnon, at kay San Juan Bautista.

Matatandaang ika-5 ng Agosto, 2025 nang ipag-utos ng Arsobispo ang pagpapasara sa Simbahan matapos ang paglapastangan ng isang babaeng vlogger sa Holy Water Font ng Simbahan.

Ayon sa atas ng Arsobispo, maaari lamang pahintulutan ang muling pagbubukas sa Simbahan matapos na magawa ng mga mananampalataya sa parokya ang mga nasasaad na ‘acts of penance’ kabilang na ang pakikibahagi sa isasagawang Holy Hour of Adoration at pangungumpisal upang humingi ng kapatawaran matapos ang naging paglapastangan sa kabanalan ng Simbahan.

Muli namang pinaalalahanan ng Arsobispo ang mga mananampalataya na ang mga sagradong bagay at lugar ay daluyan ng biyaya ng Diyos at nararapat bigyang galang at pahalagahan nang buong paggalang.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 5,027 total reads

 5,027 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 5,155 total reads

 5,155 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 10,147 total reads

 10,147 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 66,554 total reads

 66,553 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 190,055 total reads

 190,055 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 275,035 total reads

 275,035 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top