Pagbubuklod ng pamilya, biyaya ng COVID-19 pandemic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 646 total reads

April 7, 2020, 11:27AM

Pinaalalahanan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya na nananatiling konektado ang tao sa Diyos sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap at pagiging makasalanan.

Sa pagninilay ng obispo sa pagpasok ng mga Mahal na Araw, nilinaw nitong hindi nahihiwalay ang tao sa bahay dalanginan ng Panginoon sa kabila ng pagkansela sa mga malalaking pagtitipon tulad ng pagdiriwang ng mga Banal na Misa kundi mas pinag-uugnay nito ang bawat isa sa pamamagitan ng pagbubuklod ng bawat pamilya.

“Wala man tayo sa ating mga malalaking simbahan ngunit tayo ay pinagkaisa ng Diyos sa munting pamayanan o simbahan ang ating mga pamilya,” pagninilay ni Bishop Uy.

Iginiit ng obispo na bagamat sa online lamang nakibahagi ang mananampalataya sa mga banal na pagdiriwang ng simbahan lalo ngayong Mahal na Araw, nanatiling konektado ang relasyon ng Diyos sa tao, hindi lamang online kundi ‘Spiritual Line’ o sa espiritwal na aspeto ng tao.

Matatandaang agad na ipinag-utos ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagkansela ng mga misa upang maiwasan ang malakihang pagtitipon alinsunod sa kautusan ng pamahalaan partikular ang pagpapatupad ng physical distancing upang maiwasan ang pagkalat ng COVID 19.

“Walang kahit sino, o kahit na ano gaya ng virus (COVID 19) na makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos,” dagdag pa ni Bishop Uy.

Dahil dito hinimok ni Bishop Uy ang mamamayan na hindi dapat malungkot sa kabila ng pagdiriwang ng mga Banal na Araw sa tahanan sapagkat makatatanggap pa rin ito ng biyaya ng pag-ibig ng Panginoon.

Paalala ni Bishop Uy na ang Simbahan ang sakramento ng dakilang pag-ibig ng Diyos kaya’t dapat ipadama sa kapwa ang pag-ibig sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti at gawing makabuluhan ang pagdiriwang ng mga Mahal na Araw sa gitna ng krisis na dulot ng COVID 19.

“Huwag nating kalimutan na tayong mga tao ang simbahan kaya’t pagsumikapan nating ipahayag ang pag-ibig ng Diyos sa bawat isa sa gitna ng pagsubok na pinagdadaanan,” giit ni Bishop Uy.

Aktibo rin si Bishop Uy at ang lahat ng mga pari sa Bohol sa pagsasagawa ng mga online masses, healing rosary at maging mga novena prayers para masugpo na ang pagkalat pa ng virus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 87,932 total reads

 87,932 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 165,467 total reads

 165,467 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 198,915 total reads

 198,915 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 234,213 total reads

 234,213 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 457,295 total reads

 457,295 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top