Pagdedebosyon kay Maria, debosyon sa pagpapahalaga sa Kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,246 total reads

Malaki ang kaugnayan ang debosyon kay Maria sa pangangalaga ng kalikasan.

Ito ang ibinahagi ni Order of Friars Minor definitor Fr. Cris Pine, kaugnay sa pagdiriwang sa kaarawan ni Maria na nakapaloob sa Season of Creation.

Ayon kay Fr. Pine, nabanggit sa ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco ang tungkulin ni Maria bilang Reyna ng sangnilikha bukod sa pagiging ina ng Panginoong Hesus.

Paliwanag ng pari na ang pagturing sa ina ng Panginoon bilang Reyna ay nangangahulugan ng pagiging lingkod na handang tumugon sa panawagan ng Diyos, at kabilang na rito ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan.

“‘Yung translation kasi sa english from Laudato Si’ paragraph 241 ay Mary, Queen of All Creation. Pero minsan nami-misunderstand natin ‘yung ganung kataga na “reyna”, parang siya ang utos nang utos at tayo ay tagasunod… ‘Yung kanyang pagiging reyna ay paglilingkod sa sangkatauhan at bilang bahagi ng buong sangkalikasan,” pahayag ni Fr. Pine sa panayam ng Radio Veritas.

Nagbigay naman ito ng inspirasyon sa pagpapagawa ni Fr. Pine ng painting o lawaran ni Maria na may titulong “Maria, Reynang-Lingkod ng Sangkalikasan” na likha ni Dominic Escobar mula sa Zamboanga del Sur.

Naganap ang unveiling ng larawan noong August 27 kasabay ng canonical erection ng KASAMA Inserted Community sa Baesa, Quezon City na pinamamahalaan ni Fr. Pine kasama ang iba pang Franciscan Missionaries.

“Sana ay lalo nating maisulong ang ating debosyon at syempre ‘yung hamon ng ecological conversion, kaya parang devotion and advocacy. ‘Yan ang ating panawagan,” saad ni Fr. Pine.

Panalangin kay Maria, Reynang-Lingkod ng Sangkalikasan

Ikaw na nadaramtan ng liwanag ng araw,
gabay sa kaayusan ng sangkalupaan.
Ikaw na nakatayo sa kagandahan ng buwan,
ikaw na may koronang labindalawang bituin,
ikaw rin ang tala sa gitna ng malawak na karagatan,
salamin ng liwanag sa gitna ng dilim.
Ikaw, O aming Reyna, na maluwalhating inaakyat sa langit
sa pagitan ng mga ulap at banayad na hangin.

O Inang Maria, Reynang mapagkalinga,
kalakip ng aming panatang aayusin ang
aming ugnayan sa inang kalikasang kaloob ng Diyos,
Isinasamo namin na pakibulong mo po
sa Iyong mapagmahal na Anak ang aming kahilingan…

Maria, Reynang-Lingkod ng Sangkalikasan,
ipanalangin mo po kami!

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 16,736 total reads

 16,736 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 80,659 total reads

 80,659 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 117,447 total reads

 117,447 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 148,021 total reads

 148,021 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 197,683 total reads

 197,683 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 259,281 total reads

 259,281 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 53,753 total reads

 53,753 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top