Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagguho ng Binaliw landfill na ikinamatay ng 8-mangggagawa, kinundena ng CWS

SHARE THE TRUTH

 1,867 total views

Mariing kinondena ng Church People Workers Solidarity (CWS) ang pagguho ng Binaliw Landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City na ikinasawi ng walong manggagawa, at nag-iwan ng hindi bababa sa tatlumpu’t apat na nawawala at iba pang sugatang indibidwal.

Sa solidarity statement na nilagdaan ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza,chairperson ng CWS, iginiit ng grupo na ang trahedya ay hindi maaaring ituring na simpleng aksidente kundi isang krimeng nag-ugat sa kasakiman, kapabayaan, at sistematikong paglabag sa karapatan ng mga manggagawa.

Binatikos din ni Bishop Alminaza na siya ring chairman ng Caritas Philippines na humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ang kalagayan ng mga manggagawa na napipilitang magtrabaho sa mapanganib at hindi makataong kalagayan.

Iginiit ng Obispo, kapag ang kaligtasan ay isinasakripisyo para sa tubo o kita sa negosyo at ang kapabayaan ay nauuwi sa kamatayan, ang paggawa ay nagiging anyo ng pagsasamantala.

“What is being portrayed as an “accident” is, in truth, a crime born of greed, neglect, and the systematic violation of workers’ rights. We express our deepest solidarity with the families of the victims and stand firmly with Filipino workers in their struggle for justice and accountability. Those who perished were only trying to earn an honest living. They were compelled to work under dangerous and inhumane conditions—conditions that should never have been allowed and that ultimately cost them their lives.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Alminaza.

Nanawagan naman si Bishop Alminaza ng agarang, masinsin, at transparent na imbestigasyon sa insidente at hiniling na papanagutin ang Prime Waste Solutions na kasalukuyang operator ng landfill, kung mapapatunayang lumabag ito sa Occupational Safety and Health (OSH) Law at iba pang kaugnay na regulasyon sa kaligtasan ng mga manggagawa.

“We demand an immediate, thorough, and transparent investigation into the collapse of the Binaliw Landfill. We further demand that Prime Waste Solutions, owned by the Razon family and the current operator of the landfill, be investigated for possible violations of the OSH Law and other relevant regulations and be penalized to the fullest extent of the law if found culpable.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Iginiit din ng Obispo ang agarang pangangailangan na maamyendahan ang Republic Act No. 11058 upang gawing kriminal ang sadyang hindi pagsunod sa mga pamantayan sa kaligtasan sa trabaho.
Ayon kay Bishop Alminaza, “This incident once again underscores the urgent need to amend Republic Act No. 11058, the Occupational Safety and Health Law, to criminalize non-compliance with OSH standards. Without real penalties and criminal liability, employers will continue to disregard safety regulations—and workers will continue to die.”

Binigyang-diin din ni Bishop Alminaza na ang naganap na trahedya sa Binaliw Landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City ay hindi dapat mauwi lamang sa estadistika o mga numero o kaya naman ay matabunan ng mga opisyal na paliwanag sa halip ay dapat na magsilbing panawagan sa pananagutan at reporma sa kahalagahan ng pagtiyak ng kaligtasan ng mga manggagawa sa sektor ng paggawa.

“We refuse to allow this tragedy to be reduced to a statistic or buried under official excuses. We call on the government to act decisively—to hold the guilty accountable, to protect workers’ lives, and to ensure safe, humane, and dignified working conditions for all.” Panawagan ni Bishop Alminaza.

Paliwanag ng Obispo nasasaad sa panlipunang turo ng Simbahan na ang sektor ng paggawa ay sagrado dahil ang buhay ng bawat manggagawa ay sagrado kung saan ayon sa mga aral ni St. John Paul II sa Laborem Exercens, ang trabaho ay umiiral para sa tao at hindi ang tao para sa trabaho.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 376,237 total views

 376,237 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 393,205 total views

 393,205 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 409,033 total views

 409,033 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 498,573 total views

 498,573 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 516,739 total views

 516,739 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top