Pagiging huwaran ng mga katutubo sa pangangalaga sa kalikasan, kinilala ni Bishop Aseo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,734 total reads

Binigyang-diin ni Tagum Bishop Medil Aseo ang mahalagang gampanin ng simbahan sa pagkilala at pagtugon sa pangangailangan ng mga katutubo, lalo na sa pangangalaga ng kalikasan.

Ayon kay Bishop Aseo, dapat kilalanin ang kultura at ambag ng mga katutubo, na likas na mga tagapangalaga ng mga likas na yaman, at nagpapakita ng pamumuhay kaisa ang kalikasang biyaya ng Diyos sa sangkatauhan.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa pagdiriwang ng National Indigenous Peoples’ Month ngayong Oktubre at Indigenous Peoples’ Sunday ngayong October 13—ang pagtatapos ng pagdiriwang ng Season of Creation sa Pilipinas.

“Though our responsibility as stewards of God’s creation remains ongoing—it has been a time for us to reflect more on our shared duty to care for the world entrusted to us. The indigenous peoples, especially in their respective areas have long embodied this stewardship. In their simple way of life, they remind us of the importance of creation, something we must protect as we face the growing ecological crises,” pahayag ni Bishop Aseo sa panayam ng Radio Veritas.

Aniya, sa pagtatapos ng Panahon ng Paglikha ngayong taon, ito’y naging pagkakataon upang higit na pagnilayan ang kolektibong tungkuling pangalagaan ang nag-iisang tahanan.

Sinabi ng obispo na ang mga katutubo, sa payak at tradisyonal na pamumuhay, ay nagsisilbing huwaran sa wastong pagpapahalaga at pangangalaga sa kalikasan sa kabila ng lumalalang krisis pangkalikasan.

Ibinahagi naman ni Bishop Aseo na ang diyosesis, sa pamamagitan ng Tagum Social Action Ministry at pakikipagtulungan ng Caritas Philippines, ay gumagawa ng makabuluhang hakbang upang tugunan ang pangangailangan ng mga katutubo, lalo na sa Caraga Region sa bahagi ng Maragusan, Davao de Oro.

Kabilang sa mga proyekto ay ang pagbibigay ng malinis at ligtas na suplay ng tubig sa mga katutubong pamilya sa mga malalayo at liblib na lugar.

“Access to clean, safe water is not just a basic human need—it is a fundamental human right. This initiative holds significance beyond the Diocese of Tagum. It is only of the things that can be accomplished when the Church, together with its partners, stands in solidarity with the most vulnerable,” ayon kay Bishop Aseo.

Tema ng Linggo ng mga Katutubo sa susunod na dalawang taon ang “Lakbay-Laya: Kalakbay nang may Pag-asa sa Lupaing Ninuno”.

Nakasaad sa Laudate Deum ni Pope Francis na bagamat mahalaga ang mga pansariling pagkilos, ang tunay na solusyon ay mangyayari sa pamamagitan ng maayos at wastong pagbabago sa mga patakaran at programa ng pamahalaan at mga institusyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 40,386 total reads

 40,386 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 90,634 total reads

 90,634 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 138,505 total reads

 138,505 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 242,454 total reads

 242,454 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 326,478 total reads

 326,478 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,216 total reads

 166,216 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top